Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 38



Kabanata 38

Umuwi si Madeline sa bahay. Balak niyang umalis matapos mag-impake ng damit. Subalit, nang

makita niya ang mga pambatang damit sa sofa, di niya mapigilang hawakan ang mga ito at mag-

alinlangan.

Nang maalala niya na si Jeremy ang bumili ng mga pambatang damit na ito para kay Meredith,

nakaramdam siya ng di maipaliwanag na sakit sa kanyang dibdib.

Hinawakan niya ang kanyang tatlong buwang nagbubuntis na tiyan. Nararamdaman niyang

napupuwing siya ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.

Subalit, mabilis na pinawi ni Madeline ang kanyang mga luha.

Kinamuhian niya ang kanyang sarili dahil wala siyang narating sa buhay. Napakalupit sa kanya ng

lalaking itp subalit labis pa rin siyang nag-aalala at nasasabik sa lalaking ito na di niya makukuha.

Kumuha si Madeline ng damit na pambata at bumaba. Subalit, di niya inasahan na makakasalubong

niya sila Jeremy at Meredith sa pinto.

Nang makita niyang palapit si Meredith habang hawak ang kamay ni Jeremy, nagsimulang sumakit ang

puso ni Madeline na para bang tinutusok ito ng isang milyong karayom.

"San ka pupunta Maddie?" Tanong ni Meredith habang inosenteng kumukurap. Tinignan niya ang

eyebags sa mga mata ni Madeline at nagpanggap na nagtataka. "Eh, kailan ka nagpunta sa maternity

shop Maddie? Gusto mo bang bigyan ng regalo ang baby ko?"

Di pa kailanman nakakita si Madeline ng isang kabit na kasintapang ni Meredith noon.

Nandidiri niyang tinignan si Meredith. "Proud na proud ka na ipagbuntis ang anak ng isang lalaking

may asawa. Ang kapal ng mukha mo Meredith."

Nanlumo ang mukha ni Meredith. Namimighati siyang tumingin kay Jeremy. "Dapat siguro umuwi na

ako Jeremy. Nag-aalala ako na baka magselos uli si Maddie. Ayos lang na saktan niya ako, pero pag

sinaktan niya ang anak ko, nag-aalala ko na baka di ko siya maalagaan."

Inosente niya itong sinabi, pero halatang sinusubukan niyang galitin si Jeremy.

"Di ikaw ang dapat umalis." Tinitigan ni Jeremy si Madeline nang malamig. "Lumayas ka. Wag ka nang

magpapakita ulit kay Mer." Galit siyang nagbabala. Tapos tinuro niya ang pambatang damit na hawak

ni Madeline. novelbin

"Binili ko yan para sa anak ni Meredith. Sinong nagpahintulot sayo na hawakan yan? Alam mo ba kung

gaano ka kadumi? Paanong magsusuot ang anak ko gn damit na nahawakan mo na?"

Tinatawag siya nitong madumi. Tinatawag niya itong anak niya.

Di matiis ni Madeline ang matinding sakit sa kanyang puso. Tinignan niya ang mukhang minahal niya

sa loob ng 12 taon at sumakit ang puso niya.

"Jeremy, bakit ang sama mo sa akin? Dahil lang ba sa inakala mo na plinano ko na makipagtalik ka aa

akin? Yan ba ang dahilan bakit nagalit ka sa akin? Pero alam mo ba yung panahong-"

"Maddie," biglang sumingit si Meredith. Lumapit siya para payuhan siya. "Di mo masisisi si Jeremy

kung magalit siya. Neat freak siya. Napakarami mong relasyon sa iba't-ibang lalaki at natulog pa

kasama ang ibang lalaki para sa pera. Maging ako ay di tanggap ito, lalo na si Jeremy."

Hehe.

Gustong tumawa nang malakas ni Madeline. Bawat salita ni Meredith ay puno ng pagiging hipokrito at

pang-iinis. Subalit pinaniwalaan ni Jeremy ang lahat ng sinabi niya.

Kaagad na nandilim ang mukha niya. Pagkatapos ay hinila niya si Meredith pabalik sa mga braso niya.

"Di ka ba nandidiri sa kanya? Paano mo siya nagagawang hawakan? Tara bumalik na tayo sa kwarto

natin."

Hinawakan niya ang kamay ni Meredith at tumalikod. Sumakit ang mata ni Madeline sa pagtingin sa

kanilang dalawa. Dumiretso sa puso niya ang sakit. Atsaka tumalikod pa si Meredith at matagumapay

siyang nginitian.

Lumubog ang puso ni Madeline. Alam niya na kahit anong mangyari, di niya maitatago ang

nararamdaman ni Jeremy para sa kanya.

Pinilit niya ang sarili niya na wag siyang isipin. Nagsikap siya para ibalik sa normal ang kanyang buhay.

Atsaka umaasa pa siya na makakapaghintay pa siya hanggang sa kapakanakan ng kanyang anak.

Inilipat ni Madeline si Len sa ibang ospital. Halatang binayaran ni Meredith ang nurse nung una.

Umalis si Madeline matapos niya asikasuhin ang tungkol sa lolo niya.

Pagkatapos ay dumaan siya sa isang maternity shop. Matapos magdalawang-isip sa pintuan sandali,

pumasok siya.

Kumuha siya ng dalawang pares ng damit-isang pink at isang asul.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.