Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 74



Kabanata 74

Ano?

Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang narinig.

Parang ilusyon nga ang pagtawag sa kanya ni Jeremy bilang asawa, pero ang mas nagpagulat sa

kanya ay kung ano ang tinawag nito sa kanyang boss.

Uncle?

Hindi niya alam ang pangalan ng taong tumulong sa kanya ng dalawang beses. Alam niya lang ay

tinatawag siyang Mr. Whitman ng mga nagtatrabaho roon.

Subalit, hindi ito masyadong pinag-isipan ni Madeline noong mga oras na iyon. Napakaraming tao ang

magkakaapelyido sa buong mundo. Kaya hindi niya inaasahan na tito pala siya ni Jeremy.

Mabagal na lumabas si Felipe Whitman mula sa kanyang kotse at nagtatakang tumingin kay Madeline.

"Kung ganoon, ikaw ang asawa ni Jeremy?"

Binuka no Madeline ang kanyang bibig pagkatapos niyang matulala. "Sa ngayon."

Nanlumo ang mukha ni Jeremy nang marinig niya ang sagot ni Madeline.

"Sa ngayon?" Naging interesado si Felipe sa kanyang sagot. Tinignan niya si Jeremy nang may maliit

na ngiti sa kanyang mukha. "Kung ganoon, hindi kita pipigilan na sunduin pauwi ang asawa mo."

Sumakay muli si Felipe sa kanyang kotse bago tumingin kay Madeline. "Tandaan mo na pumasok sa

trabaho bukas. Naniniwala ako sa kakayahan mo, malayo ang mararating mo sa industry."

"Salamat, Mr. Whitman. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko." Matapat siyang pinasalamatan ni

Madeline. Subalit, bago siya matapos na magsalita, hinila siya ni Jeremy at sinakay sa kotse.

Pagkatapos umandar ng kotse ay nagsalita si Jeremy, "Madeline, kakaiba ka talaga. Papatulan mo ba

ang lahat ng lalaki sa Whitman family? Talagang namumulat ako sa mga ginagawi mo bilang isang

babae."

Naalala niya kung paano siya pinagbantaan ni Meredith kaninang umaga. Pagkatapos, nang marinig

niya ang sinabi sa kanya ni Jeremy, nakaramdam ng nagaalab na galit si Madeline sa kanyang dibdib.

"Jeremy, kung talagang asawa ang tingin mo sa'kin, respetuhin mo naman ako pati na sina Grandpa at

Uncle. Kung hindi mo ako makita bilang asawa at ginawa mo lang iyon para panatilihin ang dignidad

mo bilang lalaki, pwede mo nang ihinto ang kotse ngayon din. Masaya akong aalis sa paningin mo!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay inapakan niya ang preno. Pinahinto niya talaga ang kotse.

Inabot niya ang kanyang kamay at pinisil ang pisngi ni Madeline nang may malagim na titig.

"Uncle? Ang lambing naman. Kailan pa kayo naging magkakilala, hmm?"

Sobrang naiilang si Madeline sa kanyang sarkastikong tono at mapanghusgang mga mata. Tinitigan

niya ang nagagalit na lalaki. "Kung sa tingin mo ay napakadumi ko at cheap ako, pwede mo na akong

hiwalayan. Kakausapin ko si Lolo para pumayag siya!"

Hindi ba gusto na siyang hiwalayan ni Jeremy? Pumayag na siya dito!

Subalit pagkatapos niyang sabihin iyon, bumakat ang ugat sa sentido ng lalaki. Mayroong madilim na

alon sa ilalim ng kanyang mga mata.

"Kanino ka naman pupunta ngayon na desperado kang makipaghiwalay? Kay Daniel o kay Felipe?"

galit niyang tanong. Pinisil niya nang mas malakas ang pisngi ni Madeline. "Madeline, makinig kang

mabuti. Sasabihin ko 'to sa'yo sa pinakahuling beses!"

"Wala kang karapatan na kontrolin ang ating kasal! Hindi mo ako mahiwalayan at hindi ka rin

makakapang-akit ng ibang lalaki kailanman! Layas!"

Tinulak na naman siya papalayo kagaya ng dati, sinipa siya papalabas ng kotse.

Nakatayo si Madeline sa gilid ng kalsada at pinanood ang kotse na umandar papalayo. noveldrama

Naaalala niya kung gaano siya nagtiyaga na mahalin ang iresonableng lalaking ito sa loob ng sampung

taon. Kasabay nito, hindi niya alam kung iiyak na siya o tatawa.

Nakipagkita si Madeline kay Ava. Kumain sila ng pizza sa isang pizzeria. Gusto sanang uminom ni

Madeline kagaya ni Ava para malasing naman siya. Subalit, para sa kanyang walang kwentang buhay,

hindi niya ito ginawa.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.