Chapter 4
Chapter 4
“HAPPY BIRTHDAY!” Masayang sinabi ni Katerina pagkabukas niya ng pinto ng opisina ni Brett.
Inilagay niya sa ibabaw ng lamesa nito ang chocolate cake na binili niya pagkatapos ay sinindihan ang
naroong kandila mula sa lighter na dala.
Kasama sa mga pangunahing information na ibinigay sa kanya ng manager niyang si Elaine ay ang
birthday ng lalaki kaya hindi niya iyon pinalampas. Excited na ngumiti siya. “Come on, Sir Brett. Make a
wish.”
“Hindi ka na sana nag-abala pa.” Imbes ay malamig na sinabi ng kanyang Boss. “It’s just another novelbin
twenty-four hour ordinary day. Like any other occasion, it will pass, too.”
Kumunot ang noo ni Katerina. Ano na naman kaya ang nangyari sa Boss niya? Sa loob ng halos isang
buwan na lumipas mula nang sundan siya ni Brett sa parking lot ay bahagyang nag-mellow ang ugali
nito. Kahit pormal pa rin ay hindi na ito gaanong nagsusuplado. At malaking bagay na iyon para sa
kanya. Dahil kahit paano ay nakasilip siya ng pag-asa na posible niya pang matulungan ang binata.
Katerina sighed upon the thought. When she felt Brett’s strong arms around her that afternoon, she felt
the fire of hope burning inside her heart once more. Iyon rin ang mismong araw na nagsimula na
siyang maligalig. Dahil noong yakap siya ng kanyang Boss ay naramdaman niya ang unti-unting
pagkawala ng kahungkagan sa kanyang dibdib. For some unknown reason, she felt… freed.
Pero ngayon ay parang bumalik na naman si Brett sa dati. He was back on his Shrek mode once more,
with that undeniable big wall he built around him, making it impossible for her to pass through. “Sir
Brett-“
“Just leave me alone, Miss Alvarez. And take the damn cake with you.”
Napasinghap siya. How can he suddenly be so cold? “Sir, okay lang ba kayo? Ano na naman bang
nangyari sa-“
“Wala.” Hindi tumitingin sa kanyang sagot nito. “I’m fine. Just leave now.”
Napu-frustrate na napahugot si Katerina nang malalim na hininga. Hindi niya na talaga maintindihan si
Brett. Para ito babaeng sala sa init, sala rin sa lamig. “Go on, keep fooling yourself that you are fine
and that you don’t need help. Bahala ka na sa gusto mong gawin.” Hindi niya na napigilang sinabi bago
siya nagmartsa palabas ng opisina nito.
“I told you so.” Halos sabay-sabay na sinabi ng mga kasamahan niyang nakaantabay sa paglabas
niya.
HINDI makapaniwalang napasunod si Katerina kay Brett matapos makitang basta na lang ito
dederetso sa kotse nang magsara ang restaurant. Kahit ayon sa mga kasamahan niya ay ganoon daw
talaga ang lalaki ay hindi pa rin siya makapaniwala. How could he just let his birthday pass by? Ni wala
siyang nakitang bumisita rito sa araw na iyon, pagkatapos ay uuwi na lang ito?
Tinapik niya ito sa balikat. “Shrek-“
Naniningkit ang mga matang hinarap siya ni Brett. “Pay me some respect. I’m still your boss.”
“Right,” Tumatangu-tangong sinabi ni Katerina saka sumulyap sa suot na relo. “But that ended two,
oops… three minutes ago. It’s three minutes after ten which means I’m free now.” Nang akmang
magsasalita pa si Brett ay maagap na inilapat niya ang dalawang daliri sa mga labi nito. Kahit na
naiinis pa rin siya ay ayaw niya namang matulad sa buhay niya ang buhay nito. Sa kabila ng pait na
alam niyang dinaranas nito ay mapalad pa rin ito kung tutuusin. He could celebrate his birthday.
Alam ni Brett kung kailan ang kaarawan nito, kung sino ang nagluwal rito pati na ang totoong pangalan
nito. He had all the privileges that fate took away from her. He was blessed, for crying out loud! Ano pa
ba ang ipinagsisintir nito? “Hindi ka ba nanghihinayang? Malapit nang mag alas-dose. Tumanda ka
nang isang taon ngayong araw pero hindi mo man lang ice-celebrate ‘yon?”
Tumigas ang anyo ni Brett pagkatapos ay inalis ang mga daliri niya sa labi nito. “Whatever I do with my
life is none of your business, Miss Alvarez.” Sagot nito saka tuluyan nang pumasok sa sasakyan.
Naiiling na hinawakan ni Katerina ang pinto ng kotse ni Brett nang akmang isasara na nito iyon.
“Margie told me that you live alone. Pagdating mo sa bahay mo, ano’ng gagawin mo? Nganganga? O
kaya magsesenti ka?” Nang matigilan ito ay nagpatuloy siya. “Come on, Brett. Paminsan-minsan,
masarap rin ang may kasamang iba, lalo na sa ganitong mga importanteng okasyon. Masarap rin ang
feeling na may nakakaalala sa ’yo, na may babati sa ’yo at matutuwa dahil nag e-exist ka sa mundo.
Don’t you want that?”
Ilang saglit na natahimik ang binata bago sumagot. “I don’t.” Tuluyan na nitong isinara ang pinto ng
kotse nito at pinaharurot iyon palayo.
Malakas siyang bumuntong-hininga saka napatingala sa kalangitan. “God, if You are listening, please
give me the courage not to give up on him.”
PAGDATING MO sa bahay mo, ano’ng gagawin mo? Nganganga? Biglang naipreno ni Brett ang
kanyang kotse nang maalala ang mga sinabing iyon ni Katerina. Mabuti na lang at wala na halos
nagdaraang sasakyan sa bahaging iyon ng kalsada. Napalingon siya sa pinanggalingan. Bahagya pa
lang siyang nakakalayo sa restaurant.
Mayamaya ay napayukyok siya sa manibela. He stopped celebrating his birthday years ago. Noong
nagkita sila ni Katerina ikalabing apat na taon na nang araw na iyon ay hindi na naging maayos pa ang
buhay niya.
Noong gabi ng birthday niya ay palihim na sinundan ng kanyang ama ang kanyang ina kaya hindi na
nito natupad ang ipinangako sa kanya. Nahuli nito sa motel ang asawa na may katagpong iba.
Nasaksihan pa nito ang paghahalikan ng dalawa. Sinugod nito ang mga iyon at ora mismo ay hinatak
ang kanyang ina palayo sa lugar na iyon pero hindi sumama rito ang asawa. She chose her other man
because the latter was more capable of giving her all the things she desired.
His jaw clenched upon the thought. Isang professor ang kanyang ama nang makilala nito ang kanyang
ina. Nagmula sa mayamang pamilya ang huli, nagkataon lang na nalulong sa sugal ang lolo niya kaya
nalugi ang construction business ng mga ito. When the two met, his mother thought that her feelings
were big enough to stay the rest of her life with a simple man but she was wrong.
Nang hindi na maibigay ng kanyang ama ang mga luhong kinasanayan nito mula nang mag-aral siya
sa kolehiyo ay nagbago na ito. Every day since then, he would hear his mother blabber about her
husband being the poorest man she had ever met. Pero nanatiling pasensiyoso ang kanyang ama
dahil sa pagmamahal nito sa asawa na siyang nasayang lahat noong gabing iyon.
Umalis ito ng motel nang mag-isa. Pero dala nang matinding emosyon nito noong mga sandaling iyon
ay hindi nito naiwasan ang kotseng nakasalubong habang minamaneho nito ang second-hand nitong
motor. Naabutan niya pa ito sa ospital. Nauna pa siyang dumating doon kaysa sa kanyang ina.
Halos masiraan siya ng bait nang makita ang iba’t ibang tubo na nakakabit sa katawan ng kanyang
ama. Alam niyang bibigay na ito noong ipatawag nito ang asawa sa hospital room kaya nagpumilit
siyang sumama sa loob.
His father’s tears fell while looking straight at his mother’s eyes. “To have and to h-hold, in sickness
and in health, till death do we part…” Pabulong nitong sinabi pero nakaabot pa rin sa pandinig niya.
“Nakalimutan mo na ba iyon, Almira?” Sunud-sunod na napaubo ito. “May nakakain pa naman tayo,
may bahay naman tayo. Ano pa ba ang naging pagkukulang ko?”
“Hindi sapat ang mga iyon, Armando.” Malamig pa sa yelong sagot ng asawa.
“Hindi sapat dahil naghangad ka nang higit pa sa dapat.” Hirap nitong sinabi. “I love you, Mira. Pero
anong n-nangyayari sa a-atin, m-mahal ko?”
“Hindi sa lahat ng oras, sasapat ang pagmamahal, Armando.”
Mapait na napangiti ang kanyang ama. Until his last breath, his mother was harsh. On his death bed,
she never gave his father the reason to depart with a smile.
Nang mamatay ang kanyang ama, tuluyan nang sumama ang kanyang ina sa lalaki nito. And she
never dared to look back. Napunta si Brett sa tiyuhin niya, ang architect ang nag-iisang kapatid ng
kanyang ama. Pamilyado na ito at may isang anak na si Luke na kasing-edad niya. Pinag-aral siya nito
sa pampublikong University habang sa private naman pumasok ang kanyang pinsan.
Pero balewala iyon sa kanya. Ang hindi niya lang matanggap ay ang araw-gabing parunggit sa kanya
ng asawa ng tiyuhin na pabigat siya kung ituring. But he accepted all the insults, he had no choice.
Luke was civil, they never became close. And so was his Uncle.
Nang makatapos siya ng may karangalan sa kursong Business Management ay tiyempo namang
nakilala niya si Luis na bagong lipat sa kanilang subdivision. Hindi ito nakatapos ng Culinary Arts dahil
nagbulakbol sa pag-aaral pero napatunayan niyang may talento ito sa pagluluto. Kaagad siyang
nakaisip ng mapagkakakitaan. He took a risk in Luis.
Nag-loan siya sa bangko habang si Luis naman ay umutang ng pera sa kamag-anak nito. Naging
kasosyo niya ito sa itinayo nilang restaurant. Ito ang bahala sa kusina habang siya naman ang
namahala sa kabuuan. Pumatok iyon hanggang sa nagkaroon sila ng lima pang branches sa Metro
Manila pati na sa kalapit-lungsod. Pero sa naunang restaurant niya piniling mamalagi. Because it was
their first baby, their first treasure. Ang iba ay kumuha na lang sila ng manager na mamamahala.
For the past years, Brett strived to be rich with his mother in mind. Dahil gusto niyang patunayan ritong
nagtagumpay siya, na iniwan man siya nito ay hindi pa rin siya nalubog. Pero kasabay ng pag-unlad
niya ay ang tuluyang pagkawala ng tiwala niya sa pagmamahal. His father’s experience changed him.
It took away all the hope and love in his heart. It shaped him into a different person. But Katerina
Alvarez was persistent to bring him back.
Masarap din ang feeling na may nakakaalala sa ’yo, na may babati sa ’yo at matutuwa dahil nage-e-
exist ka sa mundo. Don’t you want that?
Kumuyom ang kanyang mga kamay. Bago niya pa mamalayan ay iminaniobra niya na pabalik sa
restaurant at pabalik kay Katerina ang kanyang sasakyan.
Before the clock ticks at twelve tonight, he would indulge his self. Kahit ngayong gabi lang, aaminin ko
sa sarili kong… nalulungkot ako.