Chapter 4
Chapter 4
ILANG ulit na napahugot ng malalalim na paghinga si Christmas para payapain ang nagwawala niyang
puso nang mga oras na iyon. Kung hindi lang nakatitig sa kanya si Throne, siguro ay nagtitili na siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. She just received her first kiss! At higit pa iyon
kaysa sa kanyang inaasahan. There were no fireworks, just pure fire; a magical fire that left her
breathless for a while. Throne's kiss made her surrender and feel like a thirteen year-old girl again.
"So... may ibang sauce pa ba?"
Disoriented na napailing siya. "W-wala na."
Pilyong ngumiti ang binata. "Sayang naman."
Naguguluhang napatitig si Christmas kay Throne. "Bakit... bakit mo 'ko hinalikan?"
Ngumiti ito at muli ay gusto niyang malunod sa sensasyong gumuhit sa kanyang puso sa simpleng
ngiting iyon. "Naniniwala ka ba sa extreme like at second sight? Ako, noon, hindi. But looking at you
right now has made me believe that such a thing exists."
Napaawang ang mga labi ni Christmas samantalang napahaplos naman si Throne sa buhok nito. "I
know it doesn't sound as promising as love. But I hope we'll be able to get there... one baby step at a
time." Ibinaba ni Throne ang plastic cup na naglalaman ng fish ball at hinawakan ang kanyang mga
kamay. "Alam kong masyadong mabilis pero hindi naman kita mamadaliin. All I'm asking for is a
chance for us to find out where this thing will lead us."
Akmang sasagot pa lang si Christmas nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis na
inabutan ni Throne ng isang libong piso ang tinderong para bang nanonood ng teledrama sa
pamamagitan nilang dalawa. Maagap na hinubad nito ang jacket na suot at ipinandong sa kanyang ulo.
Igigiya na sana siya ng binata sa nakaparadang kotse nang huminto siya.
She had always loved the rain. Palagi siyang naliligo sa ulan noong bata pa siya sa kabila ng sermon
na inaabot sa mga magulang. Mabuti na lang at umulan nang gabing iyon. It became her way to
conceal her tears. Kay tagal na niyang minamahal si Throne. Kung kaya't ang marinig ang mga sinabi
nito ay isang malaking milagro na para sa kanya.
"Christmas, ano'ng-"
"Kailan ka ba huling naligo sa ulan?" sa halip ay tanong niya.
Nag-iwas si Throne ng tingin. "I never had the time to-"
"But you have the time now." Hinawakan niya ang mga kamay ng binata. "Sige ka, hindi kita bibigyan
ng chance." Napangiti siya nang makita ang pagkislap sa mga mata ng binata. Sa isang iglap ay
nakakulong na siya sa mapagpalang mga bisig nito.
Kontentong ipinikit ni Christmas ang mga mata. So this is what heaven feels like.
HINDI alam ni Throne kung saan nanggaling ang tila panghihinayang na kanyang naramdaman nang
kumawala sa yakap niya si Christmas. Parang bata na umiikot-ikot ito sa gitna ng ulan. Napasulyap
siya sa paligid. Para namang namangha ang mga nagtitindang naroon lalo na ang kalalakihan sa
ginawa ng dalagang tila bumuo ng sariling mundo nang mga oras na iyon.
Kunsabagay, hindi niya masisisi ang mga taong humahangang nakatingin kay Christmas sa kabila ng
ginagawa nito. He did not know how she did it but every little thing she did just appeared... sexy. Para
bang napakalaya ni Christmas pagmasdan. Nakabukas ang mga braso nito habang ine-enjoy ang
bawat patak ng ulan.
Throne hated the rain. Palaging umuulan tuwing iniiwan sila ng kanyang kapatid ng mga taong
mahalaga sa kanila. It was raining when their parents left them. It was also raining when their
grandfather passed away. Wala siyang magandang alaala sa ulan. Pero mukhang magkakaroon na
siya ng ibang alaala sa mga sandaling iyon.
Kay raming mga bagay na ipinaramdam sa kanya ni Christmas sa loob lang ng isang gabi. Mga bagay
na sa buong buhay niya ay hindi niya naranasan. Mariing ipinikit ni Throne ang mga mata at
sinubukang alalahanin ang sitwasyon ng kapatid. Cassandra, this is for you. And it will always be... for
you.
"Come on, Throne!" Napamulat siya nang marinig ang naglalambing na boses ni Christmas. Lumapit
ang dalaga sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. "You can always go back to being mature
tomorrow." Bago pa man mamalayan ni Throne ay nagpaubaya na siya at inikot-ikot ang dalaga sa
ulan. Umalingawngaw ang mga pagtawa nito sa buong lugar.
"Salamat. This is the best night of my life," bulong ni Christmas nang huminto sila.
Nang mga sandaling iyon, may bahagi sa isip ni Throne na nagdidikta sa kanyang umuwi na muna at
mag-resume na lang kinabukasan sa kanyang plano. Pero habang pinagmamasdan si Christmas ay
hindi niya makuhang ihakbang ang mga paa palayo. Sa halip ay nagpadala siya sa agos. He might
hate himself the next day but he would indulge himself tonight.
"GOOD NIGHT, Throne," ani Christmas. Palabas na siya ng kotse nang maagap siyang pigilan ng
binata sa braso. Nagtatakang napasulyap siya sa kasama.
Hindi mailarawan ang emosyon na nakikita niya sa guwapong mukha ni Throne. Nasorpresa siya nang
umangat ang isang kamay ng binata at hinaplos ang kanyang mga labi. The expression in his eyes
grew darker as her lips started trembling.
"T-Throne-"
"Do you know the difference between your lips and the lips of others?" bahagyang namamaos ang
boses nito. "I like kissing yours."
Bago pa man makasagot ay inangkin na ni Throne ang kanyang mga labi. Ilang sandaling nanlaki ang
mga mata ni Christmas bago unti-unting napapikit. Once more, she felt the fire in his kiss. And she let
herself... burn. He was a wonderful teacher. Ginagabayan nito ang kanyang mga labi nang hindi niya
alam kung ano ang gagawin.
Wala sa loob na iniangat ni Christmas ang mga kamay at ipinaikot ang mga iyon sa batok ni Throne.
And softly, with all the burning flame in her chest, she responded to his kisses as the rest of the world
disappeared. Suddenly, there was just the two of them, sending each other waves of passion the only
way they knew how.
Nang pakawalan siya ni Throne ay hinahabol na niya ang kanyang paghinga.
"Don't ever do that to someone else." Unti-unting sumilay ang masuyong ngiti sa mga labi ni Christmas
nang marinig ang possessiveness sa boses ng binata. "And don't ever smile like that to someone else.
I don't share."
Umangat ang isang kilay niya. "Oo na." Para sa 'yo lang naman talaga ang mga ngiti ko. "May iuutos
ka pa ba?"
Sa wakas ay ngumiti na rin si Throne. "Wala na. You can go now, Barbie. Good night."
Nangingiti pa ring tumango si Christmas at tuluyan nang binuksan ang pinto. Nakalabas na siya nang
muli siyang tawagin ng binata dahilan para mapasilip siya sa bintana. "And as for the kiss..." Naglihis
ng tingin si Throne. "Consider that as my way of saying I had fun tonight."
Hindi na nakasagot si Christmas nang kalabitin siya ni Rodrigo. Kinawayan na lang niya si Throne
bago nito pinaandar paalis ang kotse.novelbin
Humarap siya kay Rodrigo. Nag-text siya sa bodyguard habang nasa daan sila ni Throne na sa bahay
na ito dumeretso at hintayin na lang siya sa gate.
"I'm in love, Rodrigo." Napabuntong-hininga si Christmas. "I've been in love with the same man for so
many years now. Isusumbong mo ba 'ko?"
"Hindi ko ugaling makialam sa usaping pampuso, Ma'am." Pumormal si Rodrigo. "Hahayaan ko na lang
siguro na si Sir Jethro ang makaalam niyon. Pero sana po, 'wag nyo na akong takasan. Hahayaan ko
kayo sa personal ninyong buhay pero bilang guard, sana hayaan nyo rin akong samahan kayo sa
anumang lakad nyo." Deretso siyang tinitigan ni Rodrigo sa mga mata. "Nagkakaintindihan po ba tayo,
Ma'am Christmas?"
Hinayaan na muna niya ang sarili na makahinga nang maluwag. Tama nga ang Kuya Jethro niya,
madiplomasyang tao si Rodrigo. "Yes, Sir Rodrigo," amused na sagot niya. "Nagkakaintindihan na po
tayo."
Laking-tuwa niya nang pagpasok sa loob ng bahay ay wala pa ang kanyang kapatid. Siguro ay nag-
overtime na naman ito sa trabaho. Pakanta-kanta pang pumasok siya sa kanyang kwarto.