Chapter 18 : Annoy Him (2)
CHAPTER 18 Aleighn's POV
Kinabukasan ay nakauwi na nga kami mula sa ospital, sa bahay kami ni Aling Choleng dumiretso para doon na rin tumuloy dahil para sakanya mas matututukan daw sa pag aalaga si Ravi kung dalawa kaming mag aalaga. Nag desisyon rin si Aling Choleng na sa bahay niya na talaga kaming tumira mag ina ng sa ganoon daw ay hindi na palipat lipat ang anak ko sa tuwing napasok ako sa mga trabaho ko, at para daw may kasama rin siya sa bahay. Pumayag naman ako sa gusto ng matanda dahil halos sakanya rin naman talaga kami nauwi koong mga nakakaraan lalo na noong nagtrabaho ako sa bar at maging katulong nga ako.
Tiwala ako kay aling Choleng dahil mula umpisa ng mamatay ang mga magulang ko at mag buntis ako ay hindi niya kami pinabayaan lalo na si Ravi, bugnutin ang matanda pagdating sa akin pero alam kong ganoon ang paraan niya ng pag papa kita ng simpatya sa aming mag ina, kaya naman sobra akong nagpapa salamat dahil palagi siyang handa na gumabay at umalalay sa amin ni Ravi
Kinausap ko si Ravi na kailangan kong magtrabaho na ulit at para iyon sakanya, agad naman na pumayag ang anak ko at ayon pa nga sakanya ay maayos na ang lagay niya kaya hindi na dapat ako mag alala pa, kaya kampante akong iwanan siya dahil alam kong maayos na siya at hindi pababayaan ni Aling Choleng
Eto na nga ulit ang araw kung saan ay magta trabaho na ulit ako bilang katulong ni sir Craige, papasok na naman ako sa mala palasyo niyang bahay na ubod naman ng tahimik, yung tipong nasa siyudad nga ang bahay dinaig naman ang bundok sa sobrang tahimik
"Good morning miss ganda, ngayon kalang ulit ata napadaan," magiliw na bati sa akin ni manong guard ng makita akong papasok sa village
"Gandang umaga manong, may inasikaso lang po," nakangiti ko rin namang untag pabalik sakanya saka ako nagtuloy sa paglalakad patungo sa mansion ng amo kong masama ang ugali Pagkapasok ko ng bahay ay kaagad akong nagtungo sa kusina para maghanda ng almusal ni sir Craige, alam ko kasing ano mang oras ay magigising na siya at maghahanap ng pagkain Ilang sandali pa nga ay naririnig ko na ang mga yabag niyang papunta na rito sa kusina, sigurado akong siya iyon dahil wala namang ibang tao dito sa mansion niya Nakasuot na siya ng pang ipisina pero hindi pa naka ayos ang neck tie at hawak niya palang ang coat niya, kaagad siyang naupo sa palagi niyan pwesto sa tuwing kumakain "Kape mo sir," untag ko ng mailapag ang kape sa harapan niya
"How's your son?" tanong na untag niya sabay simsim sa kapeng binigay ko
"Marunong ka palang ma concern sir Craige?" natawa tawa kong untag naman habang nakatayo sa bandang gilid niya Nilingon niya lang ako saka sinamaan ng tingin
"Clean the whole mansion today at pagkatapos pumunta ka ng opisina ko para mag linis din doon!" utos niyang pagalit "Masusunod boss amo," untag ko ng may kasama pang pag saludo
Hindi naman na siya kumibo pagtapos kong magsalita at nagtuloy nalang sa pagkain, alam kong napipikon na siya pero hindi lang kumikibo dahil abala sa pagkain na ginagawa Ilang saglit pa ay natapos na rin naman siyang kumain at umalis sa kusina, kaya mabilis kong nilinis at niligpit ang kinainan niya
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Naghuhusga na ako ng maramdaman kong bumalik siya sa kusina habang mukhang may kausap sa telepono niya, napansin kong sinesenyas niya sa akin ang neck tie niya habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin Mukhang gusto niyang ayusin ko na naman ang neck tie niya dahil abala siya sa pakikipag usap, bigla tuloy akong kinabahan dahil ayokong kumapit sakanya ng sobrang lapit, baka kung ano na naman ang gawin niya sa akin "Kaya mo na yan sir katulong ako hindi yaya," untag ko sabay talikod sakanya para ituloy ang paghuhugas
Hindi ko na pinansin kung ano ang naging reaksiyin niya sa sinabi ko, basta ayokong lumapit sakanya ng sobrang lapit. Sariwa pa sa isip ko ang ginawa niya sa akin at hindi ibig sabihin na kaswal akong nakikipag usap sakanya ay nalimot ko na ang bagay na iyonnoveldrama
Single mother ako oo pero hindi ibig sabihin noon ay pwede akong bastusin ng basta nalang, hinahayaan ko na nga lang ang mga panghuhusga sa akin ng maramu hahayaan ko pa bang bastusin din ako ng literal hindi naman ata pwede yun diba
Patapos na akong maghugas ng maramdam kong hinawakan ako sa siko ni sir Craige dahilan para magitla ako ng bigla at masabuyan ko siya ng tubig na nasa tasa
"The f*ck is your problem!" pasigaw niyang untag habang masama ang tingin sa akin
"Bakit kasi nang gugulat ka sir ayan tuloy," inis ko ring untag dahil nagulat kasi talaga ako
"Damn you!" inis niya pa ring untag sa akin
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Hindi kana nga sumunod agad sa utos ko ganito pa ang ginawa mo. Sinasadya mo ba akong galiting babae ka?!" pasigaw niyang untag ulit
"Pasensya na sir nagulat kasi ako," nakayuko kong untag sakanya
"Baka nakakalimutan mong katulong kita at nasa usapan natin na dapat mong gawin lahat ng iutos ko, you don't have any rights to disobey me woman!" pasigaw niya pa ring sabi
"Ayoko kasing nagkaka lapit tayo ng sobra sir, baka bastusin niyo na naman ako at saktan!" Direktahan kong sagot saka siya tinalikuran para kumuha ng mop na ipang lilinis sa tubig na naisaboy ko sakanya Akmang lilinisin ko na ang tubig na naisaboy sakanya ng bigla niya ulit akong hawakan sa siko ko at tignan ng masama
"Nasa bahay kita kaya dapat sumunod ka sa mga utos ko. Baka nakakalimutan mong pinagamot ko ang anak mo at pumayag kang sundin lahat ng utos ko, kaya wag kang mag reklamo sa mga pinapagawa ko sayo, estupida ka!" pabulyaw niyang sabi sabay bitaw sa akin
Tinignan niya pa ulit ako ng masama bago tuluyang nag martsa pa alis ng kusina
Hindi ko naman talaga sinasadyang mabasa siya, basta niya nalang akong hinawakan kaya ako nagulat at nasabuyan siya ng tubig. Oo katulong niya ako dahil pumayag ako sa gusto niya dahil pinagamot niya ang anak ko, pero hindi ibig sabihin noon ay lalapit ako ng sobra sakanya yung tipong magka lapit talaga ang katawan naming dalawa. Takot akong lapitan siya dahil baka maulit ang ginawa niya sa akin sa bar at ayoko ng maulit ang bagay na iyon dahil naaalala ko kumg paano ko sinuko ang sarili ko sa lalaking hindi naman ako nagawang panagutan, naalala ko kumg oaano ako nahirapan ng dahil sa ginawa niya. Nagpapa salamat lang ako dahil may anghel na nagbunga at iyon ay si Ravi, pero nasasaktan parin ako sa tuwing naalala ko ang masalimuot na nangyari sa akin at sa ama ng anak ko
Gwapo si sir Craige at hindi iyon maitatanggi, pero natatakot ako sakanya tuwing malapit siya mula ng halikan niya ako at bastusin ng sobra sa bar
Handa akong sabayan ang init ng ulo na meron siya, ang bawat panlalait na ibabato niya sa akin, dahil totoo naman pumayag ako sa gusto niyang mangyari para sa anak ko, pero hindi para gawin niya ulit sa akin ang dalawang beses na niyang nagawang pambabastos sa akin
What do you think?
Total Responses: 0
If You Can Read This Book Lovers Novel Reading
Price: $43.99
Buy NowReading Cat Funny Book & Tea Lover
Price: $21.99
Buy NowCareful Or You'll End Up In My Novel T Shirt Novelty
Price: $39.99
Buy NowIt's A Good Day To Read A Book
Price: $21.99
Buy Now