Iris Luna

CHAPTER 10



***

Kasama ko ngayon sina Krezella at Amora. May selebrasyon na naman kasi ngayon sa aming kaharian at kaarawan ng tatay ko.

Sosyalan na naman ang birthday party!

Pero 'di ko pa rin siya bet kasi bakit ang bilis niyang pinalitan si ina.

"Tara, Iris! Dito tayo malapit kina Prince West." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Krezella habang si Amora ay hinihila na ako papalapit sa lamesahan na malapit lang sa Prinsipe. Wala akong nagawa kun'di ang umupo.

Kinulit kasi ako ng kinulit nitong dalawa noong nakaraan pagkatapos ng tea party ko. Kesyo daw alam na daw nila na may pag-tingin ako kay Prinsipe West dahil halata naman daw na para sa kaniya ang kinanta ko dahil nakatitig daw ako dito habang kinakanta ko iyon.

Nahihiya tuloy ako.

Usap-usapan rin ako sa iba't-ibang kaharian nang dahil sa kinanta kong iyon para kay Prinsipe West.

May mga papuri akong natatanggap at meroon ding hindi maganda dahil siguro sa fan sila ng Team LiEst.

#LiezeyLoveWest

#TeamLiEst

Corny nila!

At simula nang maging usap-usapan ako ay nakikita ko ang pag-irap na ginagawa ni Liezey sa akin tuwing magkakasalubong kami.

Tch! Masyadong papansin itong si Lola.

Akala naman niya ay siya ang gusto ng Prinsipeng iyon.

Nakakaloka!

"Ayan na siya! Ayan na siya!" Sabay-sabay akong hinampas ng dalawa nang makita nilang papalapit na sa direksyon namin si Prinsipe West. Agad akong kinabahan at umiiling kina Krezella at Amora. "Mag-pa-cute ka!" Gigil na bulong ni Krezella at kinurot ako ng palihim sa tagiliran.

Napangiwi pa ako nang kinawayan ni Amora ang Prinsipe at itinuro pa nila akong dalawa sabay nag-hugis puso sa kanilang mga kamay at ginaya ang kanta kong, 'ang tawag nga ba rito'y pag-ibig~'

Hays! Nakakaloka din 'tong dalawang 'to ano!

"Uy! Nakakahiya kayo, jusme!" Napapatakip na lang ako ng mukha dahil nakatingin sa amin ang lahat.

Nakita ko pang napangiti si Prinsipe West habang nakasulyap sa akin. Kaya pinaghahampas na naman ako ng dalawang gaga dahil sa kilig nila. Nakita kong naka-irap sa direksyon namin si Liezey pero napansin iyon nila Krezella at Amora kaya't pinakyuhan nilang dalawa si Liezey. Napatawa tuloy ako.

Tinuruan ko kasi sila ng mga bagay na iyon. At noong nalaman nila ay panay gano'n ang mga ginagawa nila sa mga 'di nila type na nobles.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Para kaming mga tangang tumatawa sa table namin habang nag-k-kwentuhan at nag-aasaran.

Kaso napatigil rin kami nang biglang namatay ang ilaw dahilan upang wala na akong makita sa paligid.

Naalerto ako nang may humawak sa bibig ko at hinila ako papatayo. Rinig ko rin ang sigawan ng mga nobles sa loob.

"Tae! Si Iris!" Rinig kong sigaw nila Amora at Krezella.

Kaso papalayo na ako ng papalayo sa bulwagan ng palasyo.

Marahan akong binitawan ng isang lalaki nang makasigurong wala nang tao sa paligid. Naaninag ko ang paligid nang makitang nasa hardin kami.

Umangat ang tingin ko sa lalaki at biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Facio?"

Ngumiti siya sa akin at nag-bigay galang.

"Paumanhin, mahal na prinsesa. Ngunit kailangan ko ng iyong tulong." Napatulala ako at agad na nakabawi.

"Sige, ano ang ma-itutulong ko sa iyo?" Kalmado kong tanong.

Nag-simula siyang magsalita. "Ang iyong ama, maaari mo bang ipakiusap sa kaniya na tigilan na ang pakikipag-alyansa sa mga Spaniards? Sila ang dahilan kung bakit sunod-sunod na ang mga namatay na inosente sa bansang ito. Kung makikipag-tulungan siya sa amin ay maaari kong ibigay ang ebidensyang nagpapatunay rito upang mai-siwalat ang maruming pamamalakad ng mga Spaniards." Ngayon lang nag-sink in sa akin ang nangyayari.

Agad-agad akong napatango sa kaniya. "Sige, Facio. Tutulungan kita. Pero, konektado ba ito sa nangyayaring gulo sa loob? Ikaw ba ang may kagagawan nito?" Naguguluhan kong tanong.

Sumeryoso siya bigla. "Oo, maaaring konektado ito sa nangyayari ngayon, mahal na prinsesa. Ngunit hindi ako ang may kagagawan ng gulong ito." Ani niya.

Oo nga naman! Nanghingi siya ng tulong sa akin. Malabo ngang siya ang gumawa ng gulong ito.

"Pero tingin mo, Facio? Sino ang nasa likod ng kaguluhan na ito?" Pagtatanong ko at nakita kong nag-isip siya.noveldrama

"Kung iisipin, wala namang gulong nangyayari sa kaharian na ito dati. Pero simula nang umupo sa trono ang bagong Reyna ng kaharian na ito, meroong gulo na nag-simula." Pagsasalita niya at parang puzzle lang na umayon sa utak ko ang mga sinabi niya.

Tama siya!

"So, sa tingin mo na ang bagong Re----"

"Luna!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Prinsipe West na dala-dala ang kaniyang matalim na espada. Winasiwas niya ito sa harapan ni Facio. Nakikiusap akong tumingin kay Facio at bumulong. "Umalis ka na rito, bago pa na may mangyari." Tumango ito sa akin at bumulong. "Masusunod, mahal na prinsesa. Sa kaharian ng Azana mo ako mahahanap."

Sinanggi niya ng kaniyang espada ang atake ni Prinsipe West at mabilis na nawala sa aming paningin.

Hahabulin na sana siya ng prinsipe ngunit pinigilan ko ito.

"Prinsipe West! Mag-uusap tayo!" Buong lakas kong sigaw dahilan upang mapahinto siya at salubungin ako ng nag-aalab niyang mga tingin.

***


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.