Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 27: Labis na pag alala



"KUMUSTA na ang kapatid ko?" agad na tanong ni Marie kay Yosef nang makasalubong ito sa hallway ng hospital. "Binigyan siya ng gamot pampatigil hilab thru injection." Hapong-hapo ang hitsura ng lalaki at halatang walang tulog. "Bakit hindi pa siya pinaanak?" nagtataka na tanong ni Marie.

"Wala pa sa saktong petsa kung kaya inaantala nila ang paglabas nito. Pero kapag muli siya mag-labor ay mapipilitan ang mga doctor na palabasin na ang anak namin at ilagay na lamang sa incubator."

"Maging ok ang lahat at ligtas sila sa kapahamakan 'di ba?" Umaasam na tanong muli niya sa kanyang bayaw. Natatakot siya na baka matulad sa kanyang anak ang kahinatnan ng lahat dahil kulang sa buwan ang bata.

"Tanging dasal na lang ang pinaghuhugutan ko ngayon ng lakas, ayaw ko man isipin pero natatakot ako para sa bata." Bahagyang gumaralgal ang boses ni Yosef. Sinigurado naman ng doctor nila na maging maayos ang lahat dahil maayos ang heartbeats ng kanyang mag-ina at malusog ang bata kahit kulang pa sa buwan. Sinabi pa nito na may ganoon talaga na pinanganganak ng pitong buwan lamang sa tiyan.

Niyakap ni Marie ang lalaki upang ipadama dito na hindi ito nag-iisa. Ayaw niyang dumagdag sa alalahanin nito ngayon, naroon siya upang suportahan ang mga ito at palakasin ang loob.

"Tulog pa siya," tukoy niya sa asawa. "Ikaw na muna ang magbantay sa kanya at pupunta lang ang ako ng Chapel."

Nanlulumo na sinundan ni Marie ng tingin ang papalayong bayaw. Biglang nag-init ang mga mata dahil naalala si Mark na iniwan na naman niya nang walang paalam. Naisip niya kung ganoon din ba ang maging hitsura ng binata kung naroon ito noong nakunan siya?

"Tiyak na galit na naman siya ngayon." Bulong niya sa kanyang sarili, hindi na napigilan ang pagpatak ng butil ng luha mula sa kanyang mga mata. "Mabuti naman at narito ka na, Hija!" Magkahalong saya at lungkot na bati ni Lydia kay Marie.

Nagulat pa si Marie nang pagbukas ng pinto ay naroon ang lahat na mahalagang tao sa buhay nilang magkapatid.

"Magandang umaga po!" Bati niya sa lahat nang naroon. Maging ang mga Madre ay naroon at nagdadasal para sa kaligtasan at kalusugan nila Joy. "Kaawaan ka ng Diyos, Anak!" Inabot ni Mother Theresa ang kamay ng dalaga at nagmano sa kanya.

"Kumusta ang bakasyon mo?" Tanong muli ni Theresa dito, pansin niya na bumalik na ng tuloyan sa dating pangangatawan ang dalaga.

"Ok lang po, maraming salamat at narito kayo ngayon!" Magalang na sagot niya dito. Nagmano siya sa lahat maging sa ina ni Yosef.

"Marie?" tawag ni Joy sa kapatid nang marinig ang tinig nito. Namimigat pa rin ang talukap ng mga mata at pilit minumulat upang makita ang paligid.

"Shhh, matulog ka muli, narito lang ako at babantayan ka." Ginagap niya ang kamay ng kapatid at marahang pinisil.

"Ang baby ko?" Mabilis na kinapa ang tiyan nang maalala kung nasaan siya ngayon.

"They're ok, huwag kang mag-alala at mag-panic dahil baka magising sila." Pinakalma niya ito sa pamamagitan ng pagyakap. Ngayon lang din nila nalaman na kambal ang magiging anak ng mga ito.

Nanlaki ang mga mata ni Joy nang malaman na kambal ang magiging anak. Tila naramdaman nang nasa kanyang tiyan ang nararamdaman niya ngayon dahil nag-unahan ang dalawa sa pagkilos ng marahan mula sa loob. "Nasaan si Yosef?" tanong niya nang mapansin na wala ang asawa.

"Nasa Chapel siya, hija, huwag ka na muna magkikilos dahil iyon ang bilin ng doctor." Wika ng ina ni Yosef at masuyong hinaplos sa noo ang manugang.

"Gising ka na pala, love," nakangiti na lumapit si Yosef sa asawa nang makabalik sa loob ng private room.

Napangiti si Marie sa nakikitang pagmamahalan ng dalawa na nasa kanyang harapan ngayon. Ayaw man niyang aminin pero nakaramdam siya ng inggit sa kapatid dahil magkakaanak na ito at kambal pa.

"Gusto kong magsisimula sa iisang pangalan katulad namin ni Marie ang maging name ng babies natin."

Dinig ni Marie na wika ng kapatid sa asawa nito. Parehong babae ang magiging anak ng mga na ikinatuwa ng mag-asawa.

"Ikaw masusunod, Love!" puno ng pagmamahal na tugon ni Yosef sa kanyang kapatid.

Makalipas ang gabi ay muling nag-labor si Joy. Ayaw nito ang ceasarian operation at mas pinili ang normal na panganganak. Hanga siya sa lakas ng loob ng kapatid dahil nakaya nito iluwa ang kambal ng maayos. Tanging si Yosef ang kasama sa loob ng delivery room at naiwan sila sa labas.

Halos tumalon sila sa tuwa nang magbukas ang pinto makalipas ang isang oras, at niluwa ang dalawang sanggol na nasa loob ng incubator kasama ang mga nurse.

"Ang ku-cute!" magkapanabay pa na wika nilang lahat. Hindi nila ito mahawakan at hindi rin pwede magtagal sa kanilang harapan. Ang matatanda ay napasunod sa dalawang nurse na tulak ang machines. Nagpaiwan si Marie upang kamustahin ang kapatid.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Ate?" masayang tanong niya dito. Nailipat na rin ito ng silid upang doon magpahinga.

"Sa awa ng Diyos, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib." Hindi mapagkaila ang saya sa mukha nito ngayon kahit na pagod at may nararamdaman pa rin na sakit sa ibabang parte ng katawan.

"Ako, hindi mo kakamustahin?" biro ni Yosef sa hipag.

"Mukhang mild injuries lang naman ang natamo mo kaya hindi na kailangan, kuya." Hindi napigilan ni Marie ang tumawa dahil sa nakikitang hitsura ng bayaw. Namumula ang pisngi at braso nito dahil umano sa bawat ere ng kapatid ay sumusuntok ang kamay dito.

"Sana lang ay hindi danasin ng magiging asawa mo ang dinanas ko kapag ikaw naman ang manganak." Yosef chuckle.

Parang may dumaan na anghel sa harapan nilang tatlo nang mapansin ang biglang paglungkot ng mukha ni Marie dahil sa biro ni Yosef.

"Kulang pa yata ang suntok ko sa iyo?" Nakasimangot na bulong ni Joy sa asawa.

"Sorry!" pabulong din na turan ni Yosef sa asawa.

"Maiwan ko muna kayo, check ko lang kung full charge na ba ang cellphone ko." Pilit ang ngiti na paalam niya sa dalawa. Naalala na hinabilin niya kanina sa nurse station ang mobile at nanghiram ng charger doon.noveldrama

Pagka-open ng aparato ay sunod sunod na message ang pumasok mula kay Mark. Mahigit sampu iyon at sa unang message pa lang ay kinabahan na siya.

"Where the hell are you now? Answer your fucking phone!"

Babasahin pa sana niya ang ibang message nito nang biglang tumunog ang ring tone. Lumayo muna siya sa mataong lugar bago sinagot ang tawag ni Mark.

"Finally!" Para siyang nanalo sa lotto nang sa wakas ay buhay na ang cellphone na tinatawagan. Bawat minuto ay tinatawagan niya ang numero ni Marie at nagbabaka-sakali na makontak ito.

"Bakit ayaw niyang sagutin?" Nasipa niya ang gulong ng kanyang kotse sa pagkainip. Naroon siya ngayon sa harap ng bahay nila Yosef ngunit walang tao. Hindi agad siya nakasunod sa dalaga nang araw na iyon dahil kailangan niyang iwan sa mapagkatiwalaan ang hotel. Isa pa ay wala ring kasunod na flight nang araw na iyon.

"He-hello?" Namamalat ang boses na sagot ni Marie sa kabilang linya.

"Where are you?"

"Ahmm, Maynila," napangiwi si Marie nang mahamig ang galit sa boses ng binata.

"Tell me the exact adress and wait for me!"

Napasimangot si Marie dahil nasa tinig nito ang hindi siya maaring magsinungaling ng sagot.

"Paano ka makapunta dito eh ang layo mo kaya!" Nakalabi na sagot niya sa binata.

"Just tell me and I'll be there!" iritable niyang tugon sa dalaga. Mahinahon pa siya sa lahay na iyon upang hindi matakot ang dalaga at baka lalong magtago.

Napangiti si Marie kahit na wala sa harapan ang kausap. Alam niya na naubusan na ito ng pasensya na malaman kung nasaan siya.

"Makati Hospital po!"

"What...?"

Iyon lang ang huling salita na narinig niya sa binata, kasunod niyon ay dial tone ng cellphone.

"Hmp! Tatawag tawag tapos papatayan ako ng cellphone?" Inirapan pa niya ang hawak na cellphone na animoy iyon ang kausap.

"Shit! Naibato ni Mark ang cellphone nang mag-battery drain. Hindi niya napansin na pawala na ang charge niyon at ang masaklap pa ay walang wire ng charger sa loob ng sasakyan.

Walang inaksayang oras at mabilis na pinaharurot ang sasakyan sa kahabaan ng daan patungo sa hospital. Ang galit na nararamdaman ay napalitan ng takot at pag-alala sa dalaga. Naisip na baka bumalik ang sakit nito kung bakit ito naroon. Pagdating sa hospital at patakbo siyang pumasok sa gusali at dumiritso sa information desk.

"Miss, saan ang silid ng pasyente?" Inabot niya ang kapirasong papel sa nurse kung saan niya isinulat ang pangalan ni Marie.

"Sorry, sir, pero walang pasyenteng naka-admit dito na ganitong pangalan." Apologetic na sagot ng nurse matapos ma-check ang records sa computer.

"Paanong wala? Check mo ulit!" muling uminit ang ulo ni Mark.

Napaawang ang labi ni Marie nang makita ang bulto ng lalaki sa harap ng nurse station. Babalik na sana siya sa silid ng kapatid at nasa isip na malabong masundan agad siya doon ng binata ng mga oras na iyon.

"Mark!" Hinawakan niya ito sa braso upang matigil sa pakipagtalo sa nurse. Dinig niya na inakala ng binata na siya ang naka-admit doon sa hospital.

"Oh my God!" Naibulalas ni Mark nang malingonan ang babaeng hinahanap. Agad niyang niyakap ng mahigpit ito upang masiguro na hindi siya nanaginip.

"Hey, hindi ako ang may sakit!" Awat niya sa binata dahil sinalat nito ang kanyang noo.

"Alam mo ba na tinakot mo ako nang husto? Nakakunot ang noo ng binata na pinagkatitigan ang dalaga. "Halos languyin ko na ang dagat mula Boracay to Maynila nang magising ako na wala ka sa aking tabi. Hindi mo pa binubuhay ang iyong cellphone, tapos kanina muntik ko na paliparin ang kotse makarating lang agad dito!" Mahaba na litanya ni Mark at walang pakialam sa mga taong nakikinig sa paligid.

"Kasalanan ko ba kung na lowbat ako at kung pinatayan mo ako ng cellphone kanina?" Humihikbi na pangatwiran ni Marie sa binata. Ramdam niya ang sobrang pag-alala sa kanya nito at dala ng pangungulila dito ay umiyak siya habang nakayakap dito.

Kinilig ang nurse na nasa kanilang harapan. Ang ilan ay napatigil sa paglalakad at pinanood ang dalawa na animoy matagal nang panahon nawalay sa isa't isa.

"I'm sorry, hindi naman ako galit, babe, tahan na!" Naging malambing na ang boses ng binata. Gustong batukan ang sarili dahil umiyak ang dalaga nang dahil sa kanya. "Akala ko kasi ay pagtataguan mo na naman ako nang magising ako kahapon na wala ka sa aking tabi."

"I'm sorry!" Lalong napaiyak ang dalaga, ramdam pa rin niya ang takot ng binata na mawala siya sa piling nito. Muling naisip na paano kung bumalik ang sakit niya? Ayaw niyang iwan ito na hindi matanggap ang kanyang pagpanaw kung sakali.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.