Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 8: Mga habilin



"Good morning, Mom!" Bati ni Yosef sa ina at humalik sa pisngi nito. "May bisita po pala kayo," anito na hindi agad nakilala ang Glginang na kausap ng ina sa balcon. "Hindi mo na ba natatandaan ang Ninang Lydia mo, Hijo?" tanong ni Meldred sa anak.

"Ay sorry po, matagal na rin tayong hindi nagkita kung kaya hindi ko agad kayo nakilala." Hinging paumanhin ni Yosef sa ginang. Mahigit sampung taon na rin nang huli niya itong nakaharap. "Ok lang Hijo, kumusta ka na? Ang laki na nang pinagbago mo at binatang-binata ka na." Natutuwang niyakap ni Lydia si Yosef.

"Hindi lang iyan binata Mare, matanda na rin siya pero ayaw pa mag-asawa." Naka ingos na kumento ng ina ni Yosef.

"Kung wala lang sana sakit ang aking anak eh pwede ko siyang ipakilala sa iyong binata, Mare." Malungkot na ngumiti ito sa mag-ina.

Nakikinig lang si Yosef sa pag-uusap ng dalawang ginang habang umiinum ng kape. Ang alam niya ay nag-ampon ang kanyang ninang ng dalagita noon dahil walang kakayahan ang mga ito na magka anak. "Wala na ba talagang pag-asa na gagaling siya?" Bakas na rin sa tinig nang ina ang lungkot.

"Tinaningan na ng doctor ang kanyang buhay pero ipinaglalaban pa rin namin siya hanggang sa huli niyang hininga." Naluluha na sagot nito sa kaibigan.

Napatingin si Yosef sa ginang nang marinig ang sinabi nito. Wala siyang alam sa buhay ng mga ito ngayon. Sa dami niyang ninang ay hindi niya rin alam kung alin sa mga iyon ang tinutukoy ng ina noon nang pinilit sa kanya na gawing secretary si Divine Joy.

"Mawalang galang na po, tama ba ang pagkarinig ko na may malalang sakit ang anak niyo, Ninang?" gustong makumpirma ni Yosef ang nasa isip.

Tanging tango lang ang sagot ng ginang, hindi magawang magsalita dahil sa bigat ng kalooban.

"Hindi ba at kasama mo siya araw-araw, Hijo? Hindi mo manlang ba napapansin na may sakit siya?" Baling ni Meldred sa anak at gusto niya itong sermunan ngayon.

"So si Divine nga ang tinutukoy ninyong anak ni Ninang Lydia?" hindi pa rin makapaniwala si Yosef sa mga natuklasan. Kailangan na yata talaga niyang tumino sa buhay ngayon at hindi puro sa negosyo at babae ituon ang atensyon. "Ano ka ba Yosef, bakit hindi mo alam?" sita sa kanya ng ina.

"Im sorry Ma, may mga problema lang ako na iniisip sa trabaho. Napakamot sa batok na sagot ng binata. "Pwede ko po bang mabisita si Divine, Ninang?"

Biglang nag-alinlangan si Lydia sa pagkakataon na iyon kung ano ang isasagot sa inaanak. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang ginawang pagpalit katauhan ng anak bilang secretary nito.

"Don't worry po 'Nang, nag-usap kami kagabi at alam ko na ang lahat. Gusto ko lang siya kamustahin at linawin ang ilang mga bagay."

Para naman nabunutan ng tinik sa dibdib ang ginang sa narinig mula sa binata. "Maraming salamat, Hijo at naunawaan mo siya. Nasa bahay bakasyonan kami ngayon nakatira dahil ayaw niyang may makakita sa kanya na kakilala niya." "Sandali, Mare, ang ibig mo bang sabihin ay ilang buwan na rin tumigil sa trabaho ang anak mo?" Nagugugulohan na tanong ni Meldred dahil ang alam niya ay ito pa rin ang secretary ng anak hanggang ngayon. "Mahabang kwento po, Ma, sasabay na ako sa inyo upang dalawin siya."

Habang sa daan ay nagkwento si Lydia tungkol sa buhay ng anak bago nila ito inampon. Napahanga naman si Meldred sa tatag at pagmamahalan ng magkapatid. Gusto na rin niyang makilala ang kakambal ni Divine Marie.

Tulog si Marie nang madatnan nila Yosef. Maputla ito dahil walang suot na maskara sa mukha. Maganda pa rin sa paningin ni Yosef ang dalaga at nakaramdam siya ng awa para sa kakambal nito sa isiping hindi nito alam ang sakit ng huli. "Ano ang ginagawa mo dito?" Kunot ang noo ni Marie nang mamulatan ang binata sa kanyang harapan.

"Anak, mabuti naman at gising ka na." Agad na lumapit si Lydia sa dalaga. "Sorry, gusto ka nilang makita." Kinuwento niya dito kung bakit naroon ang mag ina.

Naunawaan ni Marie ang ina at hindi siya nagalit dito. Kailangan niya rin namang makausap si Yosef.

"Maari niyo po ba muna kaming iwan ni Yosef?" pakiusap ni Marie sa dalawang ginang.

Namayani ang katahimikan sa paligid nang sila na lang ang naiwan sa loob ng silid.noveldrama

"Bakit hindi agad kayo lumapit sa amin at kailangan mo pang magpanggap bilang kapatid mo sa trabaho? Sana ay naagapan pa ang sakit mo kung naipagamot ka sa ibang bansa." Malungkot na tanong ni Yosef dito. "Huli na nang malaman ko. Noong una akala ko ay migraine lamang ang sakit ng ulo ko."

"Kailangan mo itong sabihin sa kanya."

"Hindi ko alam kung paano, maari mo ba siyang pasayahin at huwag iwan kapag wala na ako?" Malungkot na pakiusap niya muli sa binata.

"Hindi ko maipangako, pero kung gusto niya manatili sa trabaho ay ok lang at tutulongan ko siyang mamuhay ng maayos dito sa labas kung hindi na siya babalik ng Kumbento.

"Mas mapanatag ako kung ikaw ang mapangasawa niya."

Hindi natin hawak ang puso't isip ng iyong kapatid," ani Yosef.

"Pero ikaw hawak mo at may chance na magustohan mo siya hindi ba? Lahat ng katangian na ipinakita ko sa iyo ay nagre-reflect sa katauhan niya." Puno ng pag-asa na tanong ni Marie sa binata. "Hindi ko alam, alam mo naman kung paano ako makipaglaro sa babae." Nalilito pa rin siya sa pakiusap ni Marie.

Nanlumo na si Marie sa narinig mula sa binata. "Gusto ko nang magpahinga." Tila biglang napagod ang dalaga kahit na wala naman siyang ginawa. Kahit pakipag-usap ng matagal ay nagdudulot na nang kapaguran sa kanyang katawan. TANGHALI na ay wala pa ang amo na ipinagtaka ni Joy. Inabala na lamang ang sarili sa pag google para sa karagdagang kaalaman. Nagulat pa siya nang may pumatong na isang bugkos na bulaklak sa kanyang table.

"Titingin ka na lang ba?" aroganteng tanong ni Yosef sa secretary nang magpalipat-lipat ang tingin nito sa bulaklak at sa kanyang mukha.

"Kanino mo ipinabibigay, Sir?" Nakatingin sa blue rose na tanong nito. May panghihinayang sa kanyang isip na para sa iba iyon dahil sobrang ganda ng rose at ang kulay ay paborito pa niya.

"Para sa iyo bilang pasasalamat sa pag-atend mo kapalit ko sa meeting noong nakaraang araw." Hindi tumitingin sa dalaga na sagot nito upang hindi mahalata na nagsisinungaling lamang siya. Ang totoo ay dumaan siya ng flower shop upang ibili sana ng bulaklak ang girlfriend. Ngunit nang makita ang kulay asul na rose ay nawala bigla sa isip si Jinky at itong kaharap niya ngayon nga ang umukupa sa kanyang isipan. "Wow thank you, Sir! Paano niyo po nalaman ang paborito kung kulay?" Masayang tanong ni Joy sa binata.

Ang ganda ng ngiti ng dalaga sa kaniya ngayon kaya natulala siya dito.

"Sir?" pukaw ni Joy sa huli na tila naging bingi na at naengkanto.

"Ha? Ahm nahulaan ko lang kasi hindi na nawalan ng kulay asul ang kasuotan mo araw-araw." Pinasadahan niya ng tingin ang dalaga na biglang hindi mapakali sa kinauupoan.

"Teka, bakit walang asul ang damit mo ngayon?" Sinilip nito ang paa ng dalaga, "hindi din kulay asul ang suot mo sa paa." Nakangisi na dugtong pa nito habang nakatingin sa mukha ni Joy.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Pinagulong ni Joy ang kinaupoan paurong nang inilapit ni Yosef ang mukha nito sa kanya.

"Wala sa damit at sa paa, hulaan ko kung saang parte ng iyong katawan ngayon ang suot mong kulay asul?" Puno ng kapilyohan ang nakabakas sa mukha ng binata.

"Sa-saan?" wala sa sarili na tanong ni Joy dahil biglang kumabog ang kanyang dibdib sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya ngayon.

"You were wearing a blue underwear now, isn't it? pabulong na tanong nito sa dalaga at hindi na napalis ang ngiting puno ng kapilyohan.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Joy at pakiramdam niya ay umusok na ang kaniyang taenga dahil sa galit. "Kahit kailan ay ang bastos mo talaga na damuho ka!" Nabunot niya ang isang tangkay ng rose at binato sa binata dahil sa inis. "Hey! Sinalo nito ang bulaklak, "ang mahal ng bili ko diyan tapos gawin mo lang pamato?"

"Bakit? Sinabi ko ba na ibili mo ako nito?" Inirapan niya ang binata na nakangiti pa rin kung kaya lalo lamang siya nakaramdam ng inis dito.

"Kailan kaya mawala iyang katarayan mo sa akin?" Nakangisi pa rin ito.

"Kapag hindi ka na manyak at babaero, Sir!" May diin ang bawat kataga na binitiwan nito.

"Ang sakit mo naman magsalita," umakto pa ang binata na nasasaktan at napahawak sa dibdib. "Tanggalin na lang kaya kita sa trabaho nang wala na magtataray sa akin dito?"

"Akin na po iyang isang tangkay, Sir, ang ganda talaga ng napili mong bulalak, nakakagaan ng loob! Thank you ulit, Sir!" Inamoy amoy pa ni Joy ang bulaklak habang nakangiti sa binata. Pampalubag loob nito sa huli at baka totohanin ang naisip. Ayaw niyang sumama ang loob ng kapatid sa kanya kapag natanggal siya sa trabaho. Ang alam niya ay babalik pa sa trabaho ang kapatid kapag bumalik na siya ng kumbento.

"Wala bang kiss?" biro ulit niya sa dalaga. Naaliw siyang inisin ito at takutin.

"May sakit akong aids, Sir!" Nakasimangot na tugon ng dalaga na lalo lamang kinaaliw ng binata.

"Kumakapit na pala ang sakit na iyan sa virgin?" Tumatawa na tugon ng binata sa alibi ni Divine Joy.

Naningkit na lamang ang mga mata ng dalaga sa pang-aasar ng lalaki at hindi na muli ito kinausap upang siya ay lubayan na nito.

Wala nang natapos na trabaho si Yosef ng araw na iyon dahil panay ang tayo at sinisilip sa maliit na binatana ang secretary. Seryoso itong nakatingin sa screen monitor ng computer. Sinasadya pa niya ipaalam ang kanyang presinsya upang mapansin ng huli ngunit dedma lang siya nito.

"Sir, ano ang nakain mo at nawala ang alergy mo na makita ako?" hindi na nakatiis na tanongin ang lalaki. Nagugulo na ang sistema ng kanyang isipan dahil parang nakaukit na doon ang puno ng kapilyohang ngiti ng binata, sa tuwing mahuli niya itong nakatitig sa kaniya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.