Chapter 32
Chapter 32
Anikka
Nagising na lang ako sa tapik ni Lukas. Medyo madilim dilim pa eh, ginigising na ako. Medyo sumakit
ang ulo ko, matagal pa bago ako nakatulog at hindi ko rin alam kung paano ako nakatulog. Paano kasi
hindi pa rin mawala sa isip ko iyong narinig ko tapos ang bigat bigat pa nitong nakadagan sa akin!
Hindi ko nga maialis kaya magkatabi rin kami sa huli. Gusto ko siyang sapakin dahil isa siya sa dahil
kung bakit hindi ako makatulog. Kaso nahila na rin niya ako.
"Come on Anikka." Halos hingalin na ako, paano kasi tumatakbo pa siya, kailangan ko pang magtodo
effort para masabayan ko siya. May something special ba at kailangang magmadali?
Mas lalo pa niyang binilisan nang matanaw na namin yung dagat. Putya Lukas! Bagalan mo naman,
mapapagod na iyong taong hila hila mo.
Tumigil na kami nang malapit na kami sa pampang. Nabasa yung mga paa namin dahil sa mga along
umaabot hanggang sa amin. May nakikita pa akong mga hermit crab na naglalalad doon.
"Kaya kita ginising dahil dito." Nag-angat ko ng tingin. The view is very breathtaking, ngayon ko lang
kasi napagtanto dahil mas naka-focus ako sa pagtakbo kanina.
Manghang-mangha talaga ako, seeing the rise of the sun here is simply amazing. Napapanganga na
nga ako. Lalo pa ng makita ako nagtatalunan na mga dolphin.
"You're liking it huh?" Aniya.
"Yes!" Halos pasigaw ko ng sabi dahil sa sobrang tuwa. Lalo pa at nakikita ko pang nagtatalunan pa
yung mga ilang dolphin, though nakakita na ako sa Subic. Iba kasi dito mas malaya sila.
Nakalimutan ko na nga yung inis kay Lukas, na ginising ako, na pinagod ako sa pagtakbo. Imbis na
magalit gusto ko siyang pasalamatan. Dahil yung hindi niya akong ginising wala akong makikitang
ganitong kaganda na view. Napasaya niya ako at nabuo pa niya ang araw ko.
Kung hindi niya ako kinidnap, hindi ko matutunton ang ganitong kagandang lugar.
Humarap siya sa akin.
"Napangiti na naman kita Anikka." Pagkasabi na pagkasabi pa lang ni Lukas ay agad nang nagwala
ang puso ko. Gulay hinay hinay naman puso, baka sa sobrang pagkabog mo lumabas ka na.
Oh Gosh! Lukas anong gagawin mo sa akin? Hawak niya na ang baba ko. Please Lukas also stop
looking me in the eye. Mas lalong nagwawala ang sistema ko. Baka di ko kayanin at hinamatayin ako
sayo.
"I'd like to start a day with you Anikka, gusto ko magkasama tayong nakatanaw sa pagsikat ng araw."
Aniya habang lumalapit na ang mukha niya sa akin. Oh Lukas please! Matutunaw na ako.
"HEY WAKE UP!"
Gustuhin ko man lumayo sa kanya, kaso parang may current na mas nagdidikit sa amin. Parang
nakapaste na ako ngayon.
"ANIKKA BABY, WAKE UP! RISE ON YOUR BED.
Hanggang sa naramdaman ko na yung mainit niyang hininga. Naamoy ko lang ang bango nun
nagwawala lalo ang sisitema ko, nababaliw na! Nababaliw na!
"AYAW MO MAGISING AH!"
Naglapat na ang aming mga labi. Kusang napapikit ang aking mata at dinadamdam ang bilyong
bilyong boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko mula sa kanya. Shemay! Nagwala ng
nagwala ang dapat magwala sa akin. Kumalabog na ng kumalabog ang puso ko, hindi na sapat ang
tibok lang, dahil pagdating sa kanya ay abnormal na ito.
Hindi ko maiwasan na hindi tumugon sa mainit na halik na binibigay niya sa akin. Nakakatukso ang
bawat pagkagat ng labi niya sa akin. Oh Damn you Lukas bakit walang kahirap-hirap sa iyo na gawin
ito sa akin.
It was sweet and passionate, dahan dahan lamang ang paghalik sa akin, tila dinadamdam ang
pagkakalapat ng aming mga labi.
Nagdilat ako ng mata upang matitigan siya, gusto kong tignan siya habang mariin na inaangkin ang
aking labi.
Waaaaaaahhhh
Agad ko siyang tinulak
"Bakit mo ko hinalikan?" Sigaw ko, halos mangilaiti na ang mga litid ko sa leeg. Nakakainis balak niya
pa akong pagsamantalahan. Halos batuhin ko na siya ng mga unan. Putangina niya! Napakamanyak
niya. Hindi lang dapat unan ang binabato sayo! Dapat bato yung malaki!
"Because you are pouting your lips! Inakit mo ko." Natigilan ako.
Ehh? Me pouting lips, paano? Nadala ba ako sa panaginip ko? Ahhhh! Nakakainis. Lalo pa at
nakangisi na naman itong lalaking ito.
"Siguro kaya ayaw mong magpagising dahil gusto mo kiss pa kita."
Putya ang kapal nang pagmumukha! Ang sarap buhusan ng nagyeyelong tubig itong lalaking ito. Para
magising at hindi na magpantasya sa sarili.
"Hindi ah! Hinayupak ka talaga!" Nagkibit balikat ako at tinignan ko siya ng masama. Hay nako kung
kaya lang kitang patayin gamit ang mga titig ko.
Napangiwi ako ng makitang umamo ang mukha niya. Nahimasmasan na kaya siya?
" I'm sorry baby." Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong niyakap. Dapat ay itulak ko siya! Ngunit
hindi ko makakilos, parang naestatwa na ako at dinadamdam ang kung ano man ang tumutusok sa
tiyan ko at ang kalampag ng puso ko. Why Lukas? You never failed na apektuhan ako sa bawat
kinikilos mo.
"I'm really sorrt baby, it's my fault, You pouted your lips at natemp ako. You know that I really want to
kiss your lips badly. Sorry if I did it without your persmission." Pakiramdam ko ay nag-angat lahat ng
dugo ko sa mukha at kinilabutan sa sinabi niya. He wanted to kiss me? I dont know what to react. Hindi
ako makapagsalita.
"O-ok lang Lukas." Sambit ko pinilit ko pa rin maging normal yung boses ko kahit abnormal na
abnormal na naman ang sistema ko.
Pinilit kong kumalas sa kanya at lumabas sa kwarto. Hindi ko na kakayanin kapag nagtagal pa ako
doon. Sasabog na ako pag nagkataon at hindi na kakayanin ang kalampag ng puso ko.
Nagulat ako na bumangad sa akin si Angel na nakaitim na two piece suit at si Ken na nakatrunks
lamang. Agad akong kinilabutan pagkakita na pagkakita ko sa kanila. Tila nakalimutan ko ang nangyari
kanina at sumariwa na naman sa utak ko yung tunog ng pagmimilagro nila kagabi. Pakiramdam ko
ngayon ay hindi ko kayang pakisamahan sila. Naiilang ako sa tuwing iniisip ko na ginagawa nila iyon.
Lalo pa at hindi mo iyon aakalain sa maamong mukha ni Angel.
"Huy Anikka bakit ka tulala diyan." Bigla akong natauhan, at tinignan sila. Hay paano ko pakikisamahan novelbin
ang mga ito.
"Its nothing." Mabilis kong sabi, pinilit kong tatagan ang boses ko. Anikka act normal ha, Baka mamaya
ay malaman nila na narinig ko sila kagabi nakakahiya!
"Pero girl ha, buti nagising ka na, dahil muntik ka na naming maiwan. Magboboating sana kami eh.
Kaso nung aalis ka naalala ka ni Lukas." Kwento ni Angel. Magsasalita pa sana siya kaso biglang
sumingit si Ken.
"Oo nga! Sabi namin na huwag ka ng gisingin at mukhang ang himbing pa ng tulog mo kanina, but
Lukas insist. Bumalik pa rin siya para gisingin ka. Baka raw kasi magtampo ka kapag iniwan ka namin."
Hindi ko maiwasan na mangiti. Natutuwa talaga ako sa kanya. Hindi niya ako kinalimutan kanina, hindi
niya ako naisipang iwan kanina. How sweet he is. Sobra kong naapreciate ang ginawa niya. Hindi ko
talaga inakala na gagawin niya iyon.
Parang tumataba ang puso ko doon. I was so overwhelmed sa ganiwa niya.
Natigilan ako ng maramdaman ko na lang na may tao na sa likod ko.
Hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya.
Kahit ang manyak manyak mo Lukas ang bait bait mo rin. Sana maging mabait, caring ka na lang lagi
baka sakaling magustuhan talaga kita.
Gusto kong batukan sa sarili sa naisip.