Chapter 5
Chapter 5
NAGLABAS ng panyo si Ansel mula sa bulsa ng kanyang pantalon at inabot ang kamay ng
nasorpresang si Yalena. Pinunasan niya ang kamay nitong hawak kani-kanina lang ng bodyguard nito.
Muli niyang ibinulsa ang kanyang panyo pagkatapos ay hinawakan ang palad ng dalaga.
Unti-unting naramdaman ni Ansel ang pagluwag ng kanyang hininga. Higit pa sa simpleng paghawak
sa kanyang kamay ang handang ibigay ng mga babaeng iniwan niya sa bar pero nanatiling wala
siyang maramdaman. Nanatili siyang may hinahanap na kung ano at natagpuan niya iyon sa
presensiya ni Yalena. It surprised him to be able to find solace by just holding her hand.
Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay umangat ang isang braso niya at niyakap ang dalaga.
“Please just let me hold you,” nakikiusap na bulong niya nang magsimulang magpumiglas ang dalaga.
Damn, hindi niya pa iyon nagawa noon. Hindi pa siya nakiusap para lang sa ganoon kaliit na pabor.
“Saka kumpara sa iba, naniniwala akong mas masarap akong kayakap.”
“Ano ba’ng nangyayari sa `yo—”
“Seryoso ako, Attorney. Nakahanda akong maging bodyguard mo. Mayaman ako kaya hindi mo na ako
kailangang suwelduhan pa. Just… let me see you, let me hold your hand, and let me embrace you like
this,” sa halip ay sagot ni Ansel. “May dalawa pa palang kondisyon. “Don’t smile to someone else.
Don’t hold someone else. Gano’n lang kadali, Attorney. At handa na akong magpaalipin sa `yo.”
Naglaro sa isipan ni Ansel ang nasaksihang tagpo sa pagitan nina Yalena at ng bodyguard nito pati na
ang pagngiti ng dalaga sa huli. It was such a warm and lovely smile. Mariin niyang naipikit ang kanyang
mga mata. Ano na ba ang nagawa ng lalaking iyon para makatanggap ng ganoong uri ng atensiyon novelbin
mula sa babaeng dragon? He couldn’t believe he was jealous. At hindi niya alam kung paano
pakikibagayan ang bagong emosyon na nararamdaman.
“Magaling magluto si Dennis. Kaya mo rin bang gawin ‘yon, Mr. McClennan?”
Marahas siyang napabuga ng hangin. “How is it possible that you just call him Dennis and I’m still Mr.
McClennan to you until now?”
“Hindi ka raw marunong magluto. Nabanggit ‘yon ni Austin noong araw na samahan nila ako ni Maggy
na maglipat,” sa halip ay sinabi ng dalaga.
Damn it, brother. Bad shot na nga ako kay dragon, siniraan mo pa ako. “Come on. Sinungaling ang
sinuman na magsasabing hindi ako marunong magluto. They obviously haven’t tasted my fried egg yet.
It’s delightful.”
Narinig ni Ansel ang pagsinghap ng dalaga. Laking pasasalamat niya na hindi na ito muli pang
nagtangkang kumawala mula sa yakap niya. Mayamaya ay narinig niya ang pagtawa nito. And man, it
sounded heavenly.
“Your fried egg? That’s all you can serve?”
Pilyong ngumiti si Ansel. Bahagya siyang humiwalay sa dalaga at pinakatitigan ang magandang mukha
nito. “No. Actually, there are two kinds of special eggs than I can serve you. There’s this one that I can
cook delectably and then there’s this other one…” Nagkibit-balikat siya. “That I can’t. Nevertheless, the
taste will be the same, I guarantee.”
Natulala ang dalaga. Nang makabawi ay mabilis siya nitong tinampal sa dibdib bago ito tuluyang
lumayo sa kanya. “Jerk!”
Sa liwanag na nagmumula sa headlights ng kanyang kotse ay kitang-kita niya ang pamumula ng mga
pisngi ni Yalena. Parang may mainit na mga kamay na humaplos sa kanyang puso. So, the dragon can
blush.
Papasok na sana ito sa gate ng bahay nito nang muli niyang tawagin.
“Attorney!” Humabol si Ansel sa dalaga. Salubong ang mga kilay na humarap ito sa kanya. Automatic
na napangiti siya. Sadyang napakaganda pa rin nito sa kabila ng hindi maipintang anyo. “The past
days drove me crazy. Kaya ngayong gabi, aamin na ako. You got me… from the very moment I saw
you back at the office. Gusto kita at seryoso ako. I want that bodyguard of yours out of your life. I’m
going to find you a female one tomorrow.”
“Mr. McClennan—”
“Liligawan kita, Attorney.” Nang matigilan ang dalaga ay sinamantala iyon ni Ansel. Marahang hinaplos
niya ang mga pisngi nito at mayamaya ay inabot ang mga labi nito. Pero ilang segundo lang tumagal
iyon. Nag-alangan siyang pahabain ang halik dahil natatakot siyang itulak siya ni Yalena palayo pero
higit pa roon ay natatakot din siya… na baka hindi niya magawang makuntento sa isang halik lang.
Nanghihinayang na idinikit ni Ansel ang noo sa noo ni Yalena. “I will be here first thing tomorrow
morning. Ipagluluto kita. I will serve you the greatest breakfast of all time. Fried eggs, hot dogs…”
“Enough—”
Naaaliw na natawa si Ansel. Sa kabila ng lahat ay magaan ang pakiramdam niya kahit pa walang tigil
sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso. “Bacon and friend rice with hot coffee,” patuloy niya. “Come
on, those are what everyone serve in breakfast! What dirty thoughts are you thinking?”
“T-TEKA, sandali. There must be something wrong with my ears.” Bahagyang niluwagan ni Ansel ang
pagkakabuhol ng kanyang kurbata. Pero nang manatiling parang sinasakal pa rin ang pakiramdam
niya ay tuluyang inalis niya na iyon at ibinato sa papatakas na sanang si Alano. Nasa conference room
silang magkakapatid para sa kanilang monthly meeting nang bigla na lang tumawag si Yalena na gaya
nang dati ay parang nagwawalang dragon dahil sa pagpapadala niya kay Lexy, ang gusto niyang
maging bodyguard nito na isang babae rin.
Ibinigay niya sa dalaga ang kanyang contact number apat na araw na ang nakararaan kasabay ng
paghahanda niya ng almusal nito. Napu-frustrate na napasandal si Ansel sa kanyang swivel chair.
Napalingon siya sa mga kapatid na abala na rin nang mga sandaling iyon. Si Alano ay naka-videocall
pa sa cell phone nito habang kausap si Clarice na parang kay tagal na hindi nagkita ang mga ito
habang si Austin naman ay narinig niyang kausap din ang asawa. Parehong mga nakangiti ang dalawa
na kung tawagin niya noon ay mga under.
Tatlo na lang silang nagmi-meeting dahil noong nakaraang buwan matapos ang napakahabang
panahon na pangungumbinsi kay Alejandro ay nabili niya rin sa wakas ang twelve percent shares nito
sa kanilang kompanya para mapunta na sa kanilang magkakapatid ang buong kontrol doon.
Pinaghatian nila ang pamumuno sa McClennan Power, Oil, and Mining Corporation. Siya sa electricity,
sa minahan si Austin, habang sa langis naman si Alano. Humigit-kumulang dalawang oras ang
itinatagal ng kanilang meeting. Doon na nila pinag-uusapan pati na ang iba nilang negosyo na
ipinamana rin ng kanilang ama tulad ng construction company ng pamilya at ang resort nila sa
Valenzuela. Ginagawa nila iyon matapos ang kanilang eight-to-five na pagtatrabaho kaya mag-aalas-
siyete na sila kadalasan nakalalabas ng opisina.
Dati-rati ay dalawang beses kada isang buwan pa sila kung mag-meeting tungkol sa mga hinahawakan
nila pero naging isang beses na lang iyon na parehong hiniling ng dalawang kapatid niya simula nang
mag-asawa ang mga ito. That was how devoted the two fools had become. Parang takot na takot ang
mga itong mapaghintay ang asawa nang kahit na sandaling oras lang.
“Mr. McClennan, are you still there?”
“Of course.” Napatikhim si Ansel kasabay ng sandaling paglayo niya sa kanyang tainga sa cell phone.
Hinaplos-haplos niya ang kanyang tainga na ilang minuto nang nagpapanting sa paulit-ulit na
pagtawag ni Yalena sa kanyang apelyido. Ayon dito ay papayag lang itong paalisin si Dennis at
tanggapin si Lexy kung susunod siya sa mga kondisyong ihahain nito. “Ano nga uli ang mga sinabi
mong kailangan kong gawin?” aniya nang muling ibalik sa kanyang tainga ang cell phone.
“You. Are. Going. To. Clean. My. House. Every. Weekend.”
Muli ay ginamitan na naman siya ng dalaga ng ganoong tono na parang nakikipag-usap ito sa isang
toddler. Napasulyap siya kay Austin nang marinig ang pagtawa nito habang nananatiling may kausap
sa cell phone. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng inggit sa kapatid. Why can’t he
have that kind of conversation with his dragon?
“You will also do the gardening weekly. Every Sunday pala ang magiging day-off ni Lexy kung papayag
ka sa gusto ko.”
“What?” Napamaang si Ansel. “Pero sino ang magbabantay sa `yo tuwing Linggo kung—”
“Eh, di ikaw,” parang napakasimple lang na sagot ni Yalena. “Hindi ako marunong magluto. Lexy
couldn’t cook as well. Kaya tuwing umaga, required kang pumunta rito para magluto. Ayoko ng pagkain
mula sa kung saan. Gusto ko lutong-bahay. And please, practice making coffee. The one that you
made for me four days ago was too sweet. Ayokong magka-diabetes.”
Naihilamos ni Ansel ang palad sa kanyang mukha sa mga narinig. Parati na lang parang sinusubukan
ni Yalena ang kanyang pasensiya. Kahit na ang kanyang mga magulang ay hindi pa nag-demand sa
kanya nang ganoon. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumasok sa isang relasyon. Ayaw
niyang maobliga. Ayaw niyang magpatali at magpasakop sa sinoman. Ayaw niya nang nilalatagan siya
ng mga kondisyon.
He was used to be the one providing the rules.
“Bakit ka natahimik? Ayaw mo na ba? You can always say no, Mr. McClennan. I’m an old-fashioned
woman, you see. I still wanted to be courted the traditional way. Bukod pa ro’n ay ito rin ang mabisang
paraan para mapatunayan ko kung seryoso sa akin ang isang lalaki o nakikipaglaro lang.” Sandaling
natahimik ang dalaga sa kabilang linya. “So… seryoso ka ba talaga sa panliligaw sa ‘kin? Dahil kung
hindi, okay lang. Kaaalis lang ni Dennis but I can always call him.”
“You talk too much. May sinabi ba akong hindi ko gagawin?”
Damn, just the thought of Dennis made him sick. Noong nakaraang araw lang ay nahuli niya pa ang
lalaki na nakikipagbiruan kay Yalena. Parang napakalapit na kaagad ng dalawa sa isa’t isa. Bukod pa
roon ay ang lalaki ang kasama ni Yalena beinte-kuwatro oras anim na beses sa isang linggo at
nababagabag siya. Wala siyang tiwala sa karakas ng lalaking iyon. Naiinis siya rito. Pero ang inis na
iyon, kung magpapakatotoo lang siya sa kanyang sarili, ay nag-ugat sa pagiging malapit nito kay
Yalena.
Napapangiti at napapatawa ni Dennis ang dragon, isang bagay na hindi magawa-gawa ni Ansel.
Komportable sa bodyguard nito ang dalaga. At gusto niya nang matigil iyon. Para siyang
binabangungot tuwing nakikitang magkasama ang dalawa.
“Kailan ba ako maglilinis? Ano ba ang mga iluluto ko? Maggo-grocery na ba ako?”
Hindi nakaligtas kay Ansel ang halos sabay pang pagsinghap ng mga kapatid. Naramdaman niya rin
ang pagtitig ng mga ito sa kanya. Hell!
“Just be here before eight, Ansel. We’ll talk,” anang dalaga at naglaho na ito sa kabilang linya.
Sandali niyang nahigit ang hininga. It felt wonderful to finally hear his name straight from her lips.
Matamis siyang napangiti na mabilis ding naglaho nang mapasulyap siya sa kanyang wristwatch. Alas-
singko beinte na. Kung hindi pa siya aalis sa opisina kaagad ay siguradong hindi na siya aabot sa oras.
Pero pwede naman siyang ma-late. Tutal naman ay may rason siya. May importante siyang meeting
nang hapon na iyon. Bukod doon ay sino ba si Yalena para patuloy na magmando sa kanya? Pwede
namang hindi na lang siya pumunta. Hindi siya alagad nito. Marami pa namang ibang babae.
Pero mayamaya lang ay muling umalingawngaw sa kanyang pandinig ang pagtawag ni Yalena sa
wakas sa kanyang pangalan. Naalala niya rin ang masarap na pakiramdam na hatid niyon. Muli siyang
napasulyap sa kanyang relo. Marami ngang babae pero si Yalena lang ang gusto niyang makita,
makausap, marinig, mahawakan, at mahalikan.
Parang parati itong naghihintay na sumablay siya. At nasisiguro ni Ansel na isang sablay niya ay hindi
na siya bibigyan pa nito ng pagkakataon. That was how harsh Yalena was to him.
“Nag-breakdown ang oil-fired thermal plant natin sa Bataan,” sinabi na lang ni Ansel sa mga kapatid na
parehong nakatutok na lang sa kanya ngayon ang atensiyon. “Alano, you have to check on that first
thing tomorrow. Kailangan din ng magsu-supervise sa construction ng hydro power station natin sa
Laguna.” Sumunod na sinulyapan niya ang bunsong kapatid. “I want you to supervise that, Austin.”
“What?” Napatayo si Alano. “Pero sa `yo nakatoka ang powerplants—”
“Do you still remember when you and Austin needed my help? As a loving brother, I backed you both
up so many times. Nang magbakasyon kayo ng isang buwan ni Clarice sa ibang bansa at nang ikasal
kayo, sino ang sumalo sa trabaho mo? Ikaw, Austin,” nilingon ni Ansel ang bunsong kapatid. “Nang
sunduin mo sa Nevada si Maggy, who shouldered all the messy work here? Me. Just me. I’ve been
working my ass off in this company for the past few years. Ngayon lang ako humingi ng pabor, ganyan
pa ang mga reaction n’yo?”
Sumusukong itinaas ni Alano ang mga kamay. “Fine. I’ll be in Bataan after I finish my lunch meeting
tomorrow.”
“Ako na rin ang bahala sa construction ng hydro power station hindi lang sa Laguna kundi sa
Zambales,” ani Austin. “Mahirap na, baka isumbat mo pa lahat at lalo kaming ma-late ni Kuya Alano sa
pag-uwi.” Natawa ito. “Sige, Kuya Ansel. Umalis ka na. Maglilinis ka pa kina Yalena, `di ba? Saka
maggu-grocery ka pa.”
Bumagsak ang mga balikat ni Ansel. “That dragon brat! I’ve been called shark, villain, ruthless bastard
and other names. But for her I’m just a fish.” Napalunok siya. “Just a fish, brothers.”
Parehong natawa sina Austin at Alano. Mayamaya ay pumalatak ang huli. “To kiss the rose, the thorns
will make you bleed. I’ve heard that line somewhere.”
Natigilan si Ansel. Was he really willing to bleed… just for a single rose?