The Trouble With Good Beginnings

Chapter 12



Chapter 12

“TEARS are prayers, too. They travel to God when we can’t speak. That’s psalm fifty-six verse eight.

Natutunan ko iyon sa support group na sinalihan ko sa Los Angeles.”

Mula sa papalubog na araw ay napasulyap si Holly sa katabing si Hailey. Sinundan siya nito sa

dalampasigan. Hinatid ito ng nurse nito roon. Kanina pa ito nagkukwento pero hindi tuluyang

tumatagos sa isip niya ang mga sinasabi nito maliban na lang sa huling mga linya nito. Siguro ay dahil

nalimutan niya na kung paano ang magdasal. Nalimutan niya na kung paano ang lumuha.

Kahit kailan ay hindi pa siya dumating sa puntong kinuwestiyon niya ang mga nangyayari sa buhay

niya maliban na lang nang mga sandaling iyon. Ang dami niyang tanong. Gusto niyang malaman kung

bakit parang pinapaikot ng mundo hindi lang siya kundi pati ang pamilya niya.

Simula nang matauhan si Holly mula sa depresyon, paulit-ulit niya nang tinatanong ang Diyos

hanggang sa napagod na siya. Dahil wala siyang makuhang sagot. Unti-unti, parang gusto niya nang

sukuan ang lahat pati na ang kanyang pananampalataya. Pero heto si Hailey, nagbabanggit ng mga

salitang ni hindi niya inakalang masasabi nito. Inabot ng kakambal ang kanyang palad. Bigla ay gusto

niyang matawa sa sitwasyon nila. Pareho silang naka-wheelchair.

Bawat gagawin nila ngayon ay may mga naka-assist nang nurse. Hindi pumayag ang ama na gumamit

si Holly ng crutches dahil mahihirapan pa rin daw siya roon habang si Hailey naman ay sobra na ang

panghihina. Kahit sa pagtayo ay hirap na ito kaya kinailangan na rin nitong gumamit ng wheelchair.

Halos sa kanilang dalawa na ng kakambal umikot ang mundo ng mga magulang sa nakalipas na mga

araw. Dalawang araw simula nang makalabas si Holly sa ospital ay nagyaya agad ang ina na

magbakasyon na muna silang lahat.

Nagpunta sila sa beach house nila sa Laguna. Kasama rin nila si Cedrick sa bakasyong iyon bilang

tumatayong doktor ni Hailey na espesyalista sa ganoong uri ng karamdaman. Araw-araw ay naroroon

ang takot ng lahat para sa kalusugan ng kakambal pero hindi rin nawawala ang takot ng mga

magulang na baka bumalik siya sa dati at muling atakihin ng depresyon sakaling may mangyari kay

Hailey. Kaya para mapanatag ang lahat ay napilitan siyang magpanggap na maayos na siya at iyon

ang pinakamahirap na bagay na ginawa niya.

Ang hirap palang magpanggap na maayos ka para hindi na magtanong at mag-alala pa ang iba. Ang

hirap ngumiti habang sa loob-loob mo, durog na durog ka.

There aren’t any clear cause about Hailey’s illness but there are risk factors, ayon kay Cedrick. One of

the risk factors are their family history. Ang kanilang abuela sa partido ng ina ay yumao sa sakit na

breast cancer. Hailey experienced the late signs and symptoms. Sa kaso ni Hailey, mula sa dibdib ay

umakyat na ang cancer cells sa utak nito.

Magda-dalawang linggo na sila sa Laguna at madalas ay para silang sinasakal sa tuwing nagkakaroon

ng seizures si Hailey lalo na kapag naaalala nilang si Cedrick lang ang siyang kasama nito noong

hinarap nito ang sakit nito sa ibang bansa. Noong ipagtapat iyon sa kanila nina Cedrick at Hailey ay

nagalit sila ng mga magulang pero kalaunan ay wala na rin silang nagawa kundi ang tanggapin na lang

ang mga rason ni Hailey. A part of her was also thankful that Hailey was with the right man for the past

months.

“I wish I can make you forget your pain, Holly.” Garalgal ang boses na wika ni Hailey mayamaya.

“Do we ever forget the pain? Isn’t it something that stays with us? Isn’t it something that we just learn to

live with?” Hangga’t kaya ni Holly ay magpapanggap siyang matatag pero may ilang pagkakataon

katulad ngayon na hindi niya pa rin mapigilan ang sarili.

Pumatak ang mga luha ni Hailey. Mabilis na pinunasan niya ang mga iyon. “I’m sorry, Holly. I’m terribly

sorry.”

Ilang ulit na nagtangkang magpaliwanag noon si Hailey sa kanya kaso sa tuwina ay pinipigilan niya ito.

Pero ngayon, sa palagay niya ay handa na siyang buksan ang mga tainga para sa mga sasabihin nito.

“Bakit, Hailey? Bakit?”

Napakarami niyang gustong linawin nang mga sandaling iyon pero lahat ng iyon ay puro nagsisimula

sa tanong na bakit.

“I’ve always tagged myself as the ‘reyna ng sablay’. I always fail while you, you just shine in whatever

you do.”

Napailing si Holly. “Alam mong hindi totoo ‘yan, Hailey. You can act, sing and dance. That’s why you

made it to the Broadway. Pero ako, ako lang naman ‘to, isang manunulat, isang baliw na tagahanga ng

lahat ng mga magaganda at romantikong bagay sa mundo, isang fan ng isang malaking ilusyon

tungkol sa pag-ibig-“

“You were the good one, the blessed one.” Parang walang narinig na patuloy ni Hailey. “Hindi ko

mahanap iyong lugar ko sa mundo ‘tapos wala pa akong pera. Hindi ako nagtagal sa broadway dahil

hindi ako mapakali. Alam mo namang hindi ko kayang mag-stay sa isang lugar sa matagal na

panahon. Bukod pa ro’n, lahat ng sinubukan kong negosyo, nalugi. Pakiramdam ko, ang tanga-tanga

ko. Then came Athan Williams.

Nakita ko siya sa bar, he looked so out of place. Later on, nalaman kong first time niya pala magpunta

sa gano’ng lugar. Napilitan pa siya dahil nagkataong birthday ng kaibigan niya. Kasama ko noon ang

mga kaibigan ko. You know, the friends for a moment type, nandiyan sa kasiyahan pero nawawala

kapag kailangan. I was broke and frustrated and they gave me an idea. Iyong pera kasing binigay ni

mommy, pinambayad ko lang sa utang ko, nagkulang pa nga. Napasabak ako noon sa Casino pero

natalo ako. They told me that if I seduce Athan, all my money problems will be taken cared of.”

Bumuntong-hininga si Hailey. “Nagkataong isa sa board member ng Williams Group ang ama ni Celine,

my friend at that time. Ilang ulit na ring nakita ni Celine si Aleron through her dad. She liked Aleron

kaya inalam niya ang lahat ng bagay tungkol roon. Iyong mga bagay na hindi bukas sa media o sa

business world, alam ni Celine. Kaya alam niya rin ang tungkol kay Athan. That woman was bitter. She

couldn’t have Aleron kaya ang kapatid niyon ang pinag-iinitan niya dahil hindi niya mapagbalingan si

Aleron mismo. Pero pinatulan ko ‘yong sinabi niya.

Nakipaglapit ako kay Athan. But he’s a nerd and a very old-fashioned man. To get close to him, I had to

change my image so I pretended to be you. And it was painful.” Napailing si Hailey. “Pakiramdam ko,

sa tuwing nagpapanggap ako bilang ikaw, saka lang may tumatanggap sa akin na mga totoong tao.

First was Cedrick, second was Athan. Lahat ng impormasyon tungkol sa ’yo, ginamit ko pati na ang

pangalan at propesyon mo. Athan fell for me. Pero hindi niya sinabi sa akin ang koneksyon niya sa

Williams Group o kay Aleron. Nang ipagtapat niya sa akin ang tungkol sa mga magulang nila, saka ko

nalaman kung bakit.”

Sa kauna-unahang pagkakataon sa araw na iyon ay ngumiti si Hailey. “Athan, despite being a hundred

percent nerd, was a romantic man inside. He wanted to be loved as he is. Dahil natakot siyang matulad

sa kanyang ama. Iyong pagmamahal niya sa akin, sinamantala ko. Noong panahong iyon, nakikitira

lang ako sa isa sa mga kaibigan ko simula nang maglayas ako dahil sa mana.” Naglaho ang ngiti ni

Hailey. “Ang babaw ko. Binibigyan ako ni Athan ng pera pero hindi ako nakuntento. I asked for a

house. Athan gave it to me though it was originally for you because it was under your name. Iyon ang

bahay na tinutuluyan mo ngayon.”

Napamaang si Holly.

“Lahat ng mga gamit roon, binili ni Athan. At ‘yong mga paintings roon, kasama iyon sa koleksyon niya

sa bahay niya na hiningi ko. He gave me everything I asked of him. Hanggang sa isang araw,

ginantihan ako ng tadhana. I fell for Athan, I fell hard. Because he was perfect, Holly. When he came, I

found a place to belong. Plano ko nang umamin sa kanya noon. Plano ko na ring i-surrender ang lahat

ng mga ibinigay niya sa akin. The plan was set. Magtatrabaho ako sa kompanya natin, hihingi ako ng

sorry kina mommy at daddy at patutunayan ko kay Athan na karapat-dapat rin ako para sa

pagmamahal niya.

Pero nalaman kong may sakit ako. When I started to experience vertigo and seizures, kinabahan na

ako. Sinadya ko si Cedrick sa ospital. Alam mong takot ako sa ospital o sa doktor, sa kanya lang ako

panatag. He did some tests. After a couple of days, he told me I have a terminal cancer. Engaged na

kami noon ni Athan pero bilang ikaw pa rin. Natakot ako pero mas lamang iyong takot ko para sa

kanya.”

Mariing naipikit ni Hailey ang mga mata na para bang binabalikan nito sa isip ang mga pinagdaanan.

“Athan loved me too much. At ayokong masaktan pa siya ng sobra kapag nalaman niya ang sitwasyon

ko. Ang nasa isip ko noon, kailangan niya nang masanay na wala ako habang maaga pa. Nanlamig na

ako’t lahat pero ayaw niya pa ring sumuko. So I thought of a plan and that involved Cedrick. The day

Athan and I were supposed to meet, pinapunta ko rin sa bahay si Rick. I kissed him. Sinadya kong

ipakita iyon kay Athan. Nagulat rin si Cedrick. And then I broke up with Athan and flew to L.A with

Cedrick, to hide and to hope I’d get better treatments there.”

Walang hinto ang naging pagluha ni Hailey. “It was pathetic of me, I know. Ayokong ipaalam sa lahat novelbin

ang sitwasyon dahil pakiramdam ko, buong buhay ko, pahirap ako sa lahat. That time, I thought hiding

was the best way I can do for the ones I love. Iyong perang ibinayad mo sa ’kin noon para sa bahay,

ginamit ko sa pagpapagamot. Cedrick was a wonderful man. He also helped me with the expenses. He

took care of me. Ilang ulit niyang sinubukang ipaalam sa inyo ang totoo pero pinigilan ko dahil hindi pa

ako handa.

I’ve tried every treatment. Sa Amerika kami nagpunta ni Cedrick dahil mas advanced ang mga

kagamitan roon, mas marami ang makakatulong sa amin at may mga alternatibo silang paraan ng

paggamot. Pero wala pa ring nangyari. I never thought Athan would kill his self. All I wanted was just to

save him from pain.” Napahagulgol si Hailey. “Hindi ko rin inisip na magagawa iyon ni Aleron. Siguro,

inakala niyang pinaglaruan ko lang si Athan at hindi ko siya masisisi.

I’m truly sorry, Holly. I’m sorry because I wasn’t able to reveal my identity until the very end kaya ikaw

ang umani ng galit ni Aleron. Nawalan na ako ng lakas ng loob na ipagtapat ang totoo noon. I left

without cleaning my mess. And at some point, I couldn’t hate Aleron because Athan was the only family

he had. All I could hate is myself. I’m a complete failure.”

Hindi na nakapagsalita si Holly. Inabot niya ang kakambal at niyakap. Marahang tinapik-tapik niya ang

likod nito para payapain ito. Nasagad na ang kanyang mga luha. Hindi niya masasabing naiintindihan

niya ng husto ang mga pinanggagalingan nito. Pero wala ng puwang sa puso niya ang galit para kay

Hailey. Wala na ring saysay pang sisihin niya ito dahil nangyari na ang mga nangyari. Pero binabalot

ang puso niya ng matinding hinanakit. Paano nagawang isipin ni Aleron na magagawa niya ang mga

ibinibintang nito sa kanya? Gusto niyang intindihin ang binata pero hindi niya magawa.

Sinira ng binata ang lahat ng mga magagandang paniniwala niya sa pag-ibig. Dapat sa simula pa lang

ay nakuntento na lang siyang magsulat. At least, sa mga nobela, may magandang wakas na

naghihintay. Hindi tulad ng sa realidad na madalas, hanggang magandang simula lang. That’s the

trouble with good beginnings. People can’t help but to expect equally good endings.

“HE’S HERE, Holly. Nakikita ko siya.”

Kumunot ang noo ni Holly sa ibinulong ng kakambal. Nasa simbahan ang buong pamilya niya nang

mga sandaling iyon. Bigla na lang nagyayang magsimba si Hailey na pinaunlakan naman ng lahat.

Mula sa beach house ay nagpunta sila sa bayan para magsimba. May dalawang buwan na rin sila sa

Laguna. Doon na rin naghanap ang pamilya ni Holly ng physical therapist niya.

Sa kasalukuyan ay nagagawa na ni Holly na makapaglakad pero mas mabagal iyon kumpara sa dati.

Madali nang mapagod ang kanang binti niya. Pero malaking bagay na para sa kanya na hindi niya na

kailangan ng suporta ninuman para makapaglakad. Sa buong durasyon ng pananatili nila sa Laguna

ay abot-abot ang pasasalamat nila kay Cedrick dahil sa paulit-ulit na pagsasakripisyo nito para sa

pamilya niya, para kay Hailey. Hindi sila nito iniwan kahit pa pinababalik na nila ito sa Maynila para

maasikaso naman nito ang pansariling buhay nito.

Ilang buwan nang ang butihing tiyuhin ng binata ang namamahala sa ospital. Ang tiyuhin rin nitong iyon

ang isa sa mga nakaalam ng pagkakaroon ng sakit ni Hailey na nagrekomenda pa sa huli sa isang

kilalang ospital sa Amerika para masubukan ang makabagong paraan ng pagsugpo sa cancer roon,

isang bagay na wala pa sa ospital sa Pilipinas.

Kahit ang amang si Alfar ay naka-leave pa rin sa trabaho hanggang nang mga sandaling iyon. Nang

papunta sila ng simbahan ay naglambing si Hailey sa kanilang ama at nagpakarga. Pinasan ito ng ama

sa likod. Dahil sa laki ng ibinagsak ng katawan ng kakambal ay para bang ni hindi nahirapan ang

kanilang ama. Iniupo nito si Hailey sa tabi ni Holly, ayon na rin sa hiling ng una.

“Sino ang nakikita mo?” Nagtatakang tanong niya matapos lingunin ang kakambal na nakasandal sa

kanyang balikat. Pinilit niyang huwag magpakita ng emosyon sa kapuna-punang panghihina nito.

“Si Athan. He was looking at me, Holly.”

Kumabog ang dibdib niya. Nag-aalalang napasulyap siya sa ina na walang dudang narinig rin ang

sinabi ng kapatid dahil napapagitnaan nila si Hailey. Nakita niya ang pagyuko ng ina kasabay ng

paggalaw ng mga balikat nito, palatandaan ng pagluha nito. Natetensyong inabot ni Holly ang isang

palad ng kapatid.

“Don’t you dare look at him, Hailey. Don’t you ever do that.” Nag-init ang mga mata ni Holly. “Magagalit

ako sa ’yo.”

“Those moments that I… I spent with you you, with mommy and daddy w-were the b-best days of my

life, Holly. I was… l-loved. And even if I leave now, I will leave with s-so much love in my heart.” Hirap

man sa pagsasalita ay bulong pa rin ni Hailey. “I… I d-do love you a-all.” Mayamaya ay dahan-dahang

iniangat nito ang isang palad nito sa kawalan. Bahagya rin nitong iniangat ang ulo.

Kitang-kita ni Holly ang pagkislap ng mga mata ng kapatid pati na ang pagguhit ng matamis na ngiti sa

mga labi nito. Noon niya na lang muling nakita ang ngiti nitong iyon, buhay na buhay. Pakiramdam niya

ay sandali niyang nasilip ang dating bakas ng mapaglarong kapatid.

“Hello again, d-darling. I’ve m-missed you.”

Napaawang ang bibig ni Holly. Nanayo ang mga balahibo niya sa batok at mga braso sa sumunod na

narinig na iyon mula kay Hailey. “Ley, please don’t do that.” Ibababa niya na sana ang kamay ng

kapatid nang pigilan siya ng ama sa kanyang tabi. Gulat na napasulyap siya rito.

“Let her go, Holly.” May luha sa mga matang wika ni Alfar.

Naikuyom niya ang mga kamay. Sa pagkakataong iyon ay si Holly naman ang sumandal sa ama.

Mariin niyang naipikit ang mga mata. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagbagsak ng ulo ni

Hailey sa kanyang balikat kasabay niyon ay ang pag-iyak ng ina. Ang akala niya ay matapang na siya,

hindi pa pala.

Bumagsak ang mga luha niya kasabay ng pagbagsak ng kahuli-hulihang pag-asa niya na mabubuo pa

sila ng pamilya niya, na may milagro at makakasama pa nila ng matagal ang kanyang kakambal. Unti-

unti siyang nagmulat at nilingon ang anyo ni Hailey.

Her sister just died in her shoulder. Ni hindi pa nagsisimula ang misa. Inabot niya ang palad nito, idinikit

sa kanyang pisngi at dinama ang init niyon sa huling sandali. Sumunod na napasulyap siya sa altar. Sa

sobrang sakit, kahit ang pagkausap sa Diyos sa kanyang isip ay ni hindi niya na magawa.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.