Chapter 17
Chapter 17
“YOU BETTER taste right, for crying out loud. I’ve been cooking you for hours!”
Hindi na napigilan ni Holly ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang
nakakunot-noong anyo ni Aleron na nakaharap sa kalan. Maging siya ay nagulat sa ngiting iyon, ang
kauna-unahan niyang ngiti pagkalipas ng walong araw na pananatili niya sa isla.
Sa buong durasyon ng pananatili niya roon ay puro si Aleron lang ang nagsasalita sa kanila. Ayon sa
binata ay may dalawang caretaker roon pero pinauwi na muna nito dahil gusto nitong ito ang personal
na magsilbi sa kanya, isang bagay na pinagdududahan niya ng husto dahil sanay itong ito ang
pinagsisilbihan.
People have always treated Aleron as a king. Kaya simula nang magboluntaryo ang binata na maging
alagad niya, wala pa siyang nailalagay sa sikmura niyang matinong pagkain. Parating magulo na
parang dinaanan ng ipu-ipo ang kusina sa dami ng cook books roon na kung saan-saang bahagi roon
nakalagay. Parati pang ngarag ang itsura ng binata. Mabuti na lang at puno ng mga prutas at tinapay
sa kusina. Kapag ang mga luto ng binata na ang iba ay sadyang hindi makain ay sa mga prutas siya
bumabagsak.
Aleron had been trying so hard to do things for her the past days but he failed in the cooking
department. Tuwing umaga kapag lumalabas siya ng kanyang kwarto, kulang na lang ay latagan siya
nito ng pulang carpet. He was always there to assist her. Ang binata ang siyang naglilinis, ang
naghuhugas ng mga pinagkainan nila samantalang si Holly ay tinatanong na lang nito kung ano ang
gusto niyang gawin.
Puno ng mga damit at gamit pambabae ang tinutuluyan niyang kwarto kaya wala siyang problema sa
isusuot. Naalala niya noong mga unang gabi na namamahay siya roon at hindi makatulog. Hindi niya
na kailangang sabihin pa iyon sa binata. Aleron could sense that.
May grand piano sa kwarto niya at gabi-gabi ay tumutugtog ang binata roon hanggang sa makatulog si
Holly. Isa iyon sa mga ikinasorpresa niya. Noon niya lang nalamang marunong pala ang binata niyon.
Ayon dito ay natuto lang ito mula kay Athan. Kahit paano ay naging magaan na ang pagkukwento nito
ng mga bagay tungkol sa kapatid nito. Noon niya lang naalalang pareho pala sila nitong nawalan ng
mahal sa buhay ng taon ding iyon.
So much had already happened in their lives in just a year. Dahil sa mga pangyayaring iyon kaya siya
nagkakaroon ng masasamang panaginip. At sa tuwing nagigising siya mula sa mga iyon ay maaabutan
niya si Aleron na nasa loob pa rin ng kanyang kwarto at tumutugtog. At malaki ang naitutulong niyon.
Unti-unti ay nagagawang payapain ng musika nito ang takot sa puso niya. Aleron was one of the
causes of her bad dreams but he tries to make it up for her simply by being there whenever she wakes
up.
May signal rin sa isla. Hindi naging mahigpit kay Holly si Aleron. Lahat ng uri ng komunikasyon ay
mayroon sa isla. Naiwan niya ang bag niya noon sa book store kung saan naroon ang kanyang cell
phone kaya wala siyang kadala-dala sa isla. Naalala niya bigla ang mga readers niya. Ayon kay Aleron
ay ang mga staff na nito ang nag-asikaso sa mga iyon.
Ang telepono roon ang ginamit niya para matawagan si Jazeel noong ikalawang araw niya na roon.
Nag-aalalang ipinaalam nito sa kanya na bumalik na raw ang mga magulang niya sa Pilipinas nang
malaman ng mga ito mula kay Mang Dante na nawawala siya. Kasalukuyan na raw siyang
pinaghahanap ng mga ito. Ipinakiusap niya na lang rito na ito na ang magsabi sa mga magulang na
ligtas siya at nasa maayos na kalagayan. Hindi niya na sinabi kung nasaan siya at kung sino ang
kasama niya. Pagkatapos niyon ay hindi na siya muling tumawag sa pinsan.
Hindi niya rin magawang tawagan ang mga magulang. Hindi pa siya handa. It would hurt to call her
parents and hear the indifference in their voices. Sigurado rin na ipasusundo siya kaagad ng mga iyon
sa oras na tumawag siya. At hindi niya rin alam kung paano ipaliliwanag kung nasaan siya. Bukod sa
nasa Davao umano sila ni Aleron ay wala na itong iba pang binanggit na impormasyon sa kanya nanovelbin
para bang natatakot rin itong magpasundo siya. Ang siniguro lang ng binata ay babalik ang pag-aari
nitong chopper na siyang naghatid sa kanila roon at susundo rin sa kanila pagkalipas ng dalawang
linggo.
Muli niyang pinagmasdan si Aleron. One broken soul trying to heal another broken soul. How odd is
that? Mayamaya ay natigilan si Holly nang makita ang pagngiti ng binata matapos nitong tikman ang
niluluto nito. Huling-huli niya pa ang pagtingala nito na para bang nagdarasal.
“Thank you, divine ones.”
Lumawak ang pagkakangiti ni Holly. Napakasarap pagmasdan ni Aleron nang mga oras na iyon.
Napakalakas rin muli ng naging pagtibok ng puso niya. Mabilis na napatalikod siya sa kusina kasabay
ng paghawak sa dibdib. Aalis na sana siya roon nang mukhang nahuli na siya ni Aleron.
“Holly?”
Alanganin man ay humarap siya sa binata. Muli ay nakangiti ito sa kanya. Kitang-kita niya ang dimple
nito sa kaliwang pisngi.
“I don’t mean to brag.” Itinaas ni Aleron ang isang kutsara kay Holly. “But do you wanna have a taste?
Hindi na ako mapapahiya dito, pangako.”
Nagpaubaya si Holly. Lumapit siya sa binata at ibinuka ang bibig nang itapat nito roon ang kutsarang
hawak nito. At tama ito. Masarap nga iyon. Calderetang baka iyon. Mabuti na lang at puno ng stock sa
ref para sa mga experiment nito. Napatango-tango siya. “You’re right. Pwede na.”
“Just pwede na?”
Natawa si Holly. “Fine. It tastes good. Well, it was delicious, actually-“ Hindi niya na naituloy pa ang
mga sasabihin nang bigla na lang sakupin ni Aleron ang mga labi niya. She was surprised to feel that
sudden longing in her chest that she knew, only this man next to her can fill. God, she missed his
kisses. Dahan-dahan niyang ipinaikot sa batok ng binata ang kanyang mga braso. Ipinikit niya ang mga
mata. Naramdaman niya ang mga braso nitong pumaikot sa kanyang baywang. Pero saglit lang iyon.
Agad ring bumitaw ang binata sa kanya. Nagmamadaling bumalik ito sa kalan at pinatay ang apoy
niyon.
“Baka masunog.” Ani Aleron bago muling nilapitan si Holly at hinalikan sa mga labi. Bumaba ang mga
halik nito sa kanyang leeg bago siya nito mahigpit na ikinulong sa mga braso nito. “Heck, sweetheart.
I’ve missed you so much.” He whispered in a voice filled with agony.
So did I, Aleron. So did I. Pero nakulong ang mga salitang iyon sa lalamunan ni Holly. Natatakot na
siyang magparating ng mga ganoong emosyon. Ilang ulit niya ng ginawa iyon noon. At hindi maganda
ang kinahantungan niyon.
“PLEASE STAY. Please talk to me even for the last time, Holly.”
Patayo na sana sa couch si Holly nang marinig ang nakikiusap na boses na iyon ni Aleron nang gabing
iyon. Nanonood siya ng telebisyon sa sala nang tumabi sa kanya ang binata. Simula nang may
mamagitang halik sa kanila ilang araw na ang nakararaan ay lalo niya itong iniwasan. Natatakot siya sa
nararamdaman. Alam niyang mahal siya ni Aleron, sigurado na siya sa nararamdaman nito.
Alam niyang kung sumugal man siya muli sa binata ay malaki na ang pag-asa niyang manalo. Pero
takot na siyang sumugal. Permanente na yata ang takot na iyon sa puso niya. Tama ang binata, huling
gabi na nila sa isla. Ayaw niya man ay alam niyang hahanap-hanapin niya rin ang dalawang palapag
na bahay na iyon. It was such a beautiful house, even more beautiful in her eyes because every corner
of it was filled with white and pink na para bang ginawa talaga para sa kanya iyon.
“I don’t know what to say.” Mahinang wika ni Holly pero mayamaya ay bumalik na rin sa pagkakaupo.
“Then, just stay.” Ani Aleron. Inabot nito si Holly at niyakap.
Tahimik lang silang nanood ng telebisyon. Hindi na siya mahilig manood kaya hindi pamilyar sa kanya
ang teleseryeng pinapalabas. But it was entertaining. On The Wings of Love ang title niyon. Huling
nanood siya ng telebisyon noong sila pa ni Aleron. At yakap din siya nito noong mga panahong iyon.
Lahat ng mga ginagawa niya noon ay puno ng mga alaala ng binata kaya kahit ang simpleng
panonood ay inihinto niya na nang maghiwalay sila.
Pareho silang natigilan ni Aleron nang marinig ang tula ni Rico, isa sa mga karakter sa palabas.
Tungkol iyon sa sampung bagay na natutunan umano nito mula sa mga umiibig.
“Una, napakatamis ng mga simula. Dito mo matututunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti,
ng ibang kamay na humahawi sa ’yong buhok, ng mga mata na sumisisid sa ’yong kaluluwa.
Pangalawa, napakadaling maging kampante at masanay sa pagmamahal. Napakadaling malunod sa
akalang ang iyo ay mananatiling iyo.”
Naramdaman ni Holly na natensyon si Aleron. Bahagyang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
“Pangatlo, mapapagod ka. Pero pang-apat, ang tunay na pag-ibig, hindi dapat sinusukuan, ‘di ba?
Pero pang-lima, ang tunay na pag-ibig ay hindi parating sapat kapag ang mga pakpak na binigay nito
sa ’yo ay bumigat at naging kadenang ni ayaw kang patayuin. Pang-anim, ang pinakamabagsik mang
apoy ay namamatay. Maghanda ka sa sakit. Pero ‘wag kang mag-aalaga ng galit. Ito ang pang-pito,
iiwanan ka na puno ng sugat at paltos nito. Iiwanan ka nitong abo. Pang-walo, maghanda ka sa
wakas.”
Unti-unti nang naging maluwag ang pagkakayakap sa kanya ni Aleron hanggang sa tuluyan na siya
nitong pinakawalan. Tahimik na lumabas ito ng sala. Habang pinapanood niya ang paglayo nito ay
patuloy na umaalingawngaw sa pandinig ni Holly ang boses
ng nagsasalita sa telebisyon.
“Pang-siyam, alam ko, parang hindi ka pa talaga handa sa wakas. Pero pang-sampu, nandiyan ang
wakas. At sa wakas, mahalin mo pa siya sa tingin, sa tanaw. Mula sa abo na iniwan ng dati nyong
apoy, mahalin mo pa siya. Pero kapag ang pakpak ng dati mong pag-ibig ay naging gapos na, kapag
ang langit na minsan mong nilipad ay naging kulungan na, mahalin mo siya… sa huling pagkakataon.
Pagkatapos, bitaw na.” Kumabog ang dibdib ni Holly. Nakalabas na si Aleron ng front door. Could it be
the sign?
Pakiramdam niya, mensahe mismo ng Diyos ang naririnig niya na siyang kumakalampag sa kanya.
Naglaro sa isip niya ang lahat ng mga pinagdaanan, ang lahat ng naipong sakit at galit niya. Pero
kasabay niyon ay naalala niya rin ang mga pinagdaanan ni Aleron, ang pinanggagalingan nito. Pati na
ang mga bagay na ginawa nito matapos nitong magbalik sa bansa… para sa kanya. Sa kabila ng
inaakala nitong kasalanan niya pa rin rito ay nakahanda itong balikan siya.
Mariing nakagat niya ang ibabang labi. Bakit ba hindi niya iyon naisip agad? Nagpakalunod siya sa
sariling sakit. Nalimutan niyang isipin na pareho lang pala sila ng binata. Pareho silang mga tangang
nagmamahal pa rin kahit nasasaktan na. Nagkamali sila at nagkasakitan pero hindi ba’t ganoon naman
talaga sa pagmamahal? Palibhasa ay nasanay siya na siya ang kumokontrol sa mga tauhan sa mga
sinusulat niya.
Bilang manunulat ay hawak niya ang simula, gitna at wakas. Kontrolado niya ang mga mangyayari.
Siya ang gumagawa ng mga problema roon at siya rin ang lumulutas. Pero hindi pala pwedeng ganoon
sa totoong kwento ng buhay. Dahil puno ng twists and turns ang buhay. May sariling isip, paniniwala at
ipinaglalaban ang hero niya.
Sa kwento ng pag-ibig niya, hindi si Holly ang writer. Siya ang heroine. Ang Diyos ang siyang
sumusulat at nagtatakda ng bawat pangyayari. Ito ang kumokontrol. At nang may ibang kumontrol sa
buhay niya, nang may ibang nagbigay ng conflict, nahirapan siya. She had completely forgotten the
fact that in real life, the road to happy ending was endless. Habang nabubuhay ang tao, parating may
pagsubok.
“Geez,” Napangiti si Holly kasabay ng pangingilid ng mga luha. “Aleron, bagay talaga tayo. We are the
fools until the very end.”
Tumayo na siya at lumabas ng bahay. Nabigla pa siya sa lakas ng ulan na sumalubong sa kanya.
Hinanap niya si Aleron. Nakita niya itong nakaupo sa buhanginan sa tabing-dagat. “Aleron!” Sigaw
niya. Pero hindi siya nito narinig.
Napalingon siya sa paligid. Nang walang mahagilap na payong ay sinagasa niya na rin ang ulan.
Nananakbong nilapitan niya ang binata.
“Aleron!” Malakas na pinalo niya ang binata sa balikat. Gulat namang nilingon siya nito. “Nababaliw ka
na ba? Nakita mo nang ang lakas ng ulan, ang ganda pa rin ng upo mo dyan? Ano ka ba naman-“
“Oo, nababaliw na ako!” Sagot ni Aleron sa malakas ring boses. Tumayo na ito. “What we just watched
back there, pakiramdam ko, mensahe na ‘yon ng langit na dapat itigil ko na ‘to. Wakas na, ano pa bang
ipinaglalaban ko? Pero Holly, hindi ko kaya. Ang sakit. Sobra.”
Mahalin mo siya sa huling pagkakataon… pagkatapos, bitaw na. Naalala ni Holly na sinabi sa palabas.
Strange, just when she thought about giving up, saka niya iyon napanood. At sa huling gabi pa nila
mismo sa isla. Susugal siya sa huling pagkakataon pagkatapos ay bahala na kung kaya niyang
bumitaw pa. Dahil tama rin ang iba pang sinabi sa palabas. Hindi pa siya handa sa wakas. “Aleron-“
“Bakit ka ba kasi sumunod? Bakit nagpaulan ka rin? Baka magkasakit ka.” Sa kabila ng lahat ay
bumakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ng binata. “Pero ayos lang, aalagaan kita. We can stay here
a little bit more. I was that desperate to stay by your side-“
Hindi niya na pinatapos ang mga sasabihin pa ni Aleron. Tinawid niya na ang distansya sa pagitan nila
at buong alab na hinagkan ito sa mga labi. Ilang sandali itong nasorpresa bago ito gumanti ng mas
maalab na halik. Sa dami ng mga nangyari, noon niya lang naramdaman na sa wakas ay iisa na sila.
His kisses tell her that he never really wanted to let her go. And she kissed him back hoping that he
would get her message… that she never really wanted to go anyway.
Nang sa wakas, naghiwalay ang kanilang mga labi ay buong suyong hinaplos nito ang kanyang mga
pisngi.
“I love you, Holly.” Emosyonal na bulong ng binata. “I love you. I love you.”
“Almost eight months ago, I hated you. I hated you so much. That’s why I don’t know why I kept writing
about you for the past months. Iyong mga hero sa nobela ko, may mga ugali na gaya mo. When I
describe their smiles, I was describing you. When I describe the way they look, I was describing you.”
Humalo sa ulan ang mga luha ni Holly. “When I describe about pain, I was describing us. Maybe
because despite my pain and my rage, my heart was missing you all these time.
Mahal rin kita, Aleron. Iyong pagmamahal na ‘yon, nasa puso ko lang naman. Natakpan lang ng ibang
emosyon pero hindi nawala. Dahil hindi naman nawawala agad ang totoong pag-ibig. When it’s real, it
stays despite the pain.”
“Hayaan mo akong alisin ang sakit, Holly. Hayaan mo akong makabawi sa ’yo buong buhay mo.
Pagsisilbihan kita sa abot ng makakaya ko-“
“Sssh.” Tinakpan niya ng mga daliri ang mga labi ng binata. “You don’t have to. Just be you, Aleron.
Susugal ako uli sa ’yo kung paanong bumalik ka at sumugal rin para sa akin.”
Mayamaya ay natigilan si Holly nang maalala ang usapan nilang magpipinsan. Naalala niya ang mga
pinakamamahal niyang libro na dalagita pa lang siya ay kinolekta niya na. Mahigit tatlong libo ang
bilang ng mga iyon na ang iba ay mula pa mismo sa ibang bansa na pirmado pa ng paborito niyang
mga manunulat. At lahat ng mga iyon ay kailangan niyang isuko dahil malinaw na lumabag siya sa
kasunduan. Napatitig siya kay Aleron. Hinaplos niya ang mukha nito.
“Why?” Nag-aalalang tanong nito.
Sa pinakamaikling paraan na alam ni Holly ay ipinaliwanag niya kay Aleron ang tungkol sa kasunduan
nila ng mga pinsan niya. “I’m going to give up all my favorite books for you. You better not mess up
again, okay?”
“Oh, sweetheart. Bibilhan kita ng maraming mga libro. Pangako. Mas marami pa sa koleksyon mo.
Kahit punuin mo pa ng mga libro mo ang magiging bahay natin, ayos lang. Basta may espasyo pa rin
para sa ating dalawa, wala akong magiging reklamo.” Natawa si Holly. “I’m sorry if you had to
surrender those books.”
“You’re worth it. You are worth all the books in the world.”
Ngumiti si Aleron, isang uri ng ngiting nakarating sa puso ni Holly. And that moment, she knew he
really was worth breaking the rule.