Chapter 4
Chapter 4
HABANG tinititigan ni Cassandra ang gwapong mukha ni Jethro ay gustong manlambot ng mga tuhod
niya. Gustong-gusto na niyang tapusin ang paghihirap ng boyfriend at tumango na lang. God. How she
loved this man. Tuwing kasama niya si Jethro, pakiramdam niya ay buong-buo siya. Dahil walang
kapantay ang pagtanggap nito sa kanya. She never had a purpose in life, a real one, until she fell in
love with him.
Bigla ay pumasok sa isip ni Cassandra ang naging pag-uusap nila ni Gertrude nang ito na mismo ang
tumawag sa kanya noong nagdaang araw...
"Hindi sa minamadali kita, Cassandra. Pero biglaan kasi ang pagre-resign ng ka-partner ko rito sa
boutique." Urgency was evident in Gertrude's voice. "Nag-aalala ako kasi, marami siyang trabahong
naiwan. Marami rin akong sketches na kailangang tapusin. Needless to say, I'm desperately in need of
a partner right now." Narinig ni Cassandra ang malakas na pagbuntong-hininga ng babae. "I know I can
find someone here. Pero wala na akong oras. So I'm taking a chance on you. Bukod sa Filipina ka rin,
nakita kong may potensiyal ka. Given a little more time and a proper training, I'm sure you'd make it big
in this industry."
"Cassey?" narinig niyang tawag sa kanya ni Jethro.
Bigla ay parang sirang plaka naman na nagpaulit-ulit sa kanyang sistema ang mga sinabi ni Vincent sa
opisina ni Jethro. "You're losing your taste, Jethro."
She shut her eyes. Her desire to establish something for herself and for Jethro was tempting her.
Mula nang marinig niya ang mga sinabi ni Vincent, i-deny man niya kay Jethro, ay paulit-ulit na siyang
nakadarama ng hiya at panliliit sa sarili. Noon lang niya naramdamang magbe-bente-siyete na siya
pero ganoon pa rin ang kanyang buhay, walang pagbabago. Modelo nga siya pero hindi naman iyon
matatawag na trabaho dahil kasabay ng panlabas na anyo ay lumilipas din iyon.
Lumuhod si Cassandra at malambing na hinawakan ang mga pisngi ni Jethro. Ayaw na niyang mahila
ang binata sa kanyang paglubog. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginusto niyang umangat. Para
umangat din ito, para hindi na uli isipin ng iba na nagkamali si Jethro sa pagpili sa kanya. Hindi na niya
mababago ang kanyang nakaraan pero magagawan pa niya ng paraan ang kinabukasan nilang
dalawa. "Jet, gusto kong umoo. Sobra. Pero hindi pa ngayon. Mahihintay mo ba ako?"
"B-bakit?"
Sandaling nag-alinlangan si Cassandra bago sa huli ay pinili ring sabihin ang totoo. "Nagkita kami ni
Chad noong isang araw. May kakilala siyang designer sa France na pwedeng tumulong sa akin-"
Mabilis na bumitaw sa kanya si Jethro at tumayo. Mayamaya ay natigilan siya sa nakikitang galit sa
mukha nito. "Kung gano'n, totoo pala ang mga sinabi ni Amanda? Nagkita nga kayo ni Chad? He's the
reason why you changed your mind, isn't he? My God." Nasapo ng binata ang noo. "I'm so stupid!"
Napasinghap si Cassandra. Tama nga ang hinala niyang kotse ng girlfriend ni Vincent na si Amanda
ang nakita niyang pumasok sa parking lot noong araw na nakausap niya si Chad. Kailan ba tatantanan
ng babae ang pribado niyang buhay? Tumayo siya at pilit na hinawakan sa braso si Jethro pero
umiwas ito. "Jet, makinig ka muna. Please. Hindi mo naiintindihan-"
"Ano ba'ng hindi ko naiintindihan? Heck, nagpakagago na naman ako. Sa France?" Natawa si Jethro.
"What an excuse! Okay lang sana kung hindi ko rin nalaman mula kay Amanda na naroon si Chad
ngayon. Tell me, Cassandra, magkikita ba kayo ro'n, ha? Nang bumalik siya, gano'n na lang? Mang-
iiwan ka na sa ere? Siya na naman ba?"
Nangilid ang mga luha niya nang makita ang pagrehistro ng sakit sa mukha ni Jethro. "Jet, hindi gano'n
'yon. Hindi ko magagawang lokohin ka-"
"You've done this before, Cassandra. Niloko at sinaktan mo na ako noon. I'm so stupid to believe that
you could change."
Parang piniga ang puso ni Cassandra sa sinabi ni Jethro. Nahihirapan siya dahil alam niyang
nasasaktan ang binata. Pero bakit parang napakabilis naman nitong mag-isip ng masama sa kanya?
Kahit nagtatampo ay nilapitan niya pa rin si Jethro. "Jet-"
"Just go," sa halip ay mataas ang boses na wika ng binata. "Go!"
Frustrated na napabuntong-hininga si Cassandra. "I will. Pero babalik ako bukas, Jet. Kapag maayos
na ang takbo ng isip mo, mag-usap uli tayo-"
"I said go!"
Sa estado ng emosyon ni Jethro, walang nagawa si Cassandra kundi ang tumalikod at umuwi na
muna. Pero pagdating niya sa kanilang bahay ay nasorpresa siya nang madatnan ang babaeng
nagpakilala bilang si Gertrude. Kausap nito ang kuya Throne niya. Ayon kay Gertrude, nang ipakita nito
ang ilan sa mga sketches niya ay nagustuhan daw iyon ng kliyente nito. Gusto ni Getrude na mag-
collaborate sila sa paggawa ng mga design para sa isusuot ng kilyente na nagmula sa Hollywood.
Wala naman sanang problema dahil katatapos lang ng kontrata ni Cassandra sa pagmomodelo noong
nakaraang lingo. Pero ang gusto ni Gertrude ay sumama na siya sa France sa susunod na araw dahil
marami nang mga kailangang asikasuhin sa boutique.
Kitang-kita ni Cassandra ang tuwa sa mukha ni Throne. Kaya kahit kasasabi lang niya sa kapatid ng
kasalukuyang estado nila ng boyfriend ay hinikayat pa rin siya nitong umalis. Ayon kay Throne, ayusin
na raw muna niya ang kanyang sarili, saka siya bumalik para ayusin naman ang kanilang relasyon ni
Jethro dahil maiintindihan naman daw siya ng boyfriend sa dulo.
Nagpahikayat naman siya sa pag-asang ganoon nga ang manggyayari. Mabilis na tumawag si Throne
sa travelling agent na kakilala at ginamit ang koneksiyon. Pinalad siyang makuha bilang chance
passenger. Pero bago umalis ay binalikan niya si Jethro sa Batangas, kasama ni Throne.
"Jet, utang-na-loob, mag-usap na muna tayo bago man lang ako umalis," nagmamakaawang sinabi ni
Cassandra nang makitang pasakay na sa kotse nito si Jethro.
"Umalis ka kung gusto mo, wala akong pakialam. Tapos naman na tayo, 'di ba? After all, nakapili ka
na." Nang sumakay na ang boyfriend sa kotse ay pinilit pa niyang habulin ito pero pinigilan siya ng
kapatid.
"He'll come around, Cassey. Believe me. Sa ngayon, asikasuhin mo na muna ang buhay mo. If you
really love him, go and build something for yourself. Make us proud, sweetie."
"Wala akong ibang hinangad kundi ang mapabuti ka, Cassandra." Nahinto si Cassandra sa
pagbabalik-tanaw nang marinig ang boses ni Throne. "So when Gertrude came, I grabbed the chance
to push you to give birth to something new. Nagkaroon ka ng sariling mga pakpak, Cassey. Natuto
kang lumipad. See? Hindi ako nagkamali... dahil may narating ka."
"Pero malaki naman ang naging kapalit, kuya. Sobrang laki." She smiled bitterly. Nagsikap siya nang
husto sa ibang bansa at hindi rin siya sinukuan ni Gertrude. Malaki ang pasasalamat niya sa babae
dahil ito ang nagsilbing kaibigan at mentor niya sa France. Nakita nito ang mga bagay na hindi nakita
ng iba sa kanya. Hanggang sa dumating ang pagkakataong hinayaan na siya nito na magsolo
pagkalipas ng dalawang taon. Pero hindi pa rin siya pinabayaan ni Gertrude dahil ini-refer siya nito sa
mga kakilala hanggang sa isang araw ay hindi niya na namalayan na nakagawa na pala siya ng
sariling pangalan sa mundong hindi niya inakalang kabibilangan niya.
Pero walang maramdaman si Cassandra kahit na katiting na tagumpay sa kanyang pagbabalik. Dahil
wala na ang taong pag-aalayan niya ng lahat ng iyon. novelbin
Itinaas ni Throne ang mukha niya para magsalubong ang mga mata nila pagkatapos ay pinahid ang
mga luha niya. "Alam kong mali ang sasabihin ko, dahil kilala ko rin si Dana. Kinakapatid siya ni Chris
at kabanda pa. Pero kalilimutan ko muna ang bagay na 'yon. Blood is thicker than water, after all. Saka
gusto ko ring makabawi man lang sa 'yo." Tinitigan siya ng kapatid, mayamaya ay pilyong ngumiti. "Go
and fight, sweetie. Hindi pa naman sila kasal. Hangga't wala pang 'I do,' posible pa ang lahat ng bagay
sa mundo."
"I'M EXCITED about the whole thing, Chris. Ang tagal ko ring hinintay ito."
Napahinto sa tangkang pagbaba ng hagdan si Cassandra kinaumagahan nang marinig ang isang
pamilyar na boses. Nang sumilip siya ay tama nga ang kanyang hinala na si Dana ang may-ari niyon.
Sa tapat nito ay nakaupo naman si Christmas.
"Pero three months na lang bago ang kasal and yet, naghahanap pa rin ako ng designer. Wala naman
akong nagustuhang gown nang minsang mag-check kami ni Jethro sa brochures." Bumuntong-hininga
si Dana. "Baka naman may kakilala kang designer na pwedeng i-refer sa akin?"
"Meron nga siyang maire-refer sa 'yo... ako," hindi napigilang pagsingit ni Cassandra sa usapan
pagkatapos ay tuluyan nang bumaba ng hagdan. Narinig pa niya ang malakas na pagsinghap ni
Christmas.
"Pero Cassey-"
"It's okay, Chris," parang bale-walang nagkibit-balikat si Cassandra. Tiniis niya ang kirot na muling
naramdaman sa pagharap kay Dana. "I'll be more than glad to help an ex-boyfriend and his bride-to-be
in distress. After all, parte iyon ng trabaho ko." Kahit nagrerebelde ang kanyang puso ay wala siyang
magawa. Kailangan niyang magkaroon ng dahilan para makalapit man lang kay Jethro. Right now, no
matter how much she disliked admitting it; Dana appeared to be her only hope. Utang-na-loob, Dana.
Say yes.
"May mga sample designs ka ba na pwede kong tingnan?" sa wakas ay tanong ni Dana pagkalipas ng
mahabang sandali.
Hindi gumagawa si Cassandra ng wedding gowns. May nagawa man siya ay iisa lang, na siyang
iginuhit pa niya para sa sarili. Sa katunayan ay ginawan na niya ng sketch ang isusuot ng buong
entourage nila ni Jethro habang nasa France siya, sa pag-aakalang may mababalikan pa siya.
Mapait siyang napangiti. Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isip na mukhang si Dana pa pala ang
makapagsusuot ng gown. "Meron na. Kung gusto mo, magkita tayo bukas. Ipapakita ko sa 'yo." Aniya
at kinuha ang wallet, dumukot doon ng calling card, pagkatapos ay iniabot kay Dana na para bang nag-
aalinlangan pang tinanggap.
Pilit na ngumiti si Dana. "Good. Magkita na nga lang tayo bukas kung gano'n. Sana lang ay may
magustuhan akong design para hindi na ako maghanap pa ng iba." Mayamaya ay tumayo na rin ang
babae. "I'm going now."
"Sasabay na ako sa 'yo palabas kung gano'n. May pupuntahan din kasi ako."
Tahimik lang sina Cassandra at Dana hanggang sa makarating na sa garahe. Magkatabi pa ang mga
kotse na gagamitin nila. Ang kay Cassandra ay ang kotse na muna ng kapatid ang hihiramin niya
pansamantala.
"Mind if I ask where you're going?"
Nahinto siya sa tangkang pagsakay sa kotse at nilingon si Dana. Deretsong nakatitig na ang babae sa
kanya habang pinaglalaruan ang susi ng sariling sasakyan. Napatikhim siya. "Kung sasabihin ko ba sa
'yong kay Jethro, pipigilan mo ba 'ko?"
Namula ang mukha nito. "Ano ba talaga'ng plano mo?"
Sinalubong ni Cassandra ang mga mata ni Dana. "Mahal ko ang fiancé mo, Dana. Pero wala akong
intensyong masama. Gusto ko lang mapalapit sa kanya at iparamdam 'yon sa kanya habang... may
pagkakataon pa. Tutal, wala ka namang dapat ipag-alala, 'di ba? After all, isa lang akong nagbabalik
na teenager para sa kanya." Idinaan niya sa tawa ang pagsisikip ng dibdib. "Umalis lang ako noon
dahil kinailangan kong buuin ang sarili ko para sa-"
"Kaya ka nawala, dahil binuo mo ang sarili mo?" Kumunot ang noo ni Dana. "You left even if you knew
you loved him just because you wanted to fix yourself? Bakit, hindi mo ba kayang gawin 'yon nang
kasama siya?"
Kumuyom ang mga kamay ni Cassandra. "Hindi mo naiintindihan-"
"Ano ba ang hindi ko naiintindihan? Dalawang taon, Cassandra. Dalawang taon na tuwing naglalasing
siya at tinatawag akong Cassandra, tiniis ko 'yon. Lahat, tiniis ko dahil mahal ko siya. Eh, ikaw?" Nang-
iinsultong ngumiti ang babae. "Ano'ng kaya mong tiisin para sa kanya? Ano'ng kayang ibigay ng
pagmamahal na sinasabi mo para sa kanya?"
May ibinigay na ako, may tiniis na rin ako. Pero ang lahat ng pagtitiis na 'yon, ang apat na taong
sakripisyo kong 'yon, ikaw lahat ang nakinabang, gusto sanang isagot ni Cassandra pero pinigilan niya
ang sarili. "Ano'ng kaya kong ibigay? Lahat... lahat ng gusto niyang kunin."
Kumulimlim ng anyo ni Dana. "Four years kang nawala. Pero sa kabila ng galit niya, kalahati ng mga
taong 'yon, hinintay ka pa rin niya. 'Tapos bigla ka na lang babalik at manggugulo kung kailan okay na
siya?"
"Pero kalahati rin ng mga taong sinasabi mo, sinamantala mo na. Kaya hindi ko maintindihan ang point
kung bakit nagsisintir ka pa. Don't you think you should be grateful to me instead?"
Napasinghap si Dana. Sinamantala iyon ni Cassandra para sumakay na sa kotse. Agad niya iyong
pinaharurot. Nang makalayo na ay napapagod na itinigil niya ang sasakyan, pagkatapos ay isinubsob
ang ulo sa manibela.
"Four years kang nawala. Pero sa kabila ng galit niya, kalahati ng mga taong 'yon, hinintay ka pa rin
niya."
Nangilid ang mga luha ni Cassandra. "Hinintay mo rin pala ako, Jet. Pero bakit hindi mo pa in-extend...
kahit kaunti?"